Kathryn Bernardo, deadma sa kumukuwestiyon sa kanyang album

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, deadma sa kumukuwestiyon sa kanyang album

Kathryn-BernardoAYAW NA lang daw pansinin ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo ang mga taong kumukuwestiyon sa pagkakaroon niya ng recording album gayong hindi naman talaga siya singer.

ADVERTISING

Tsika nga ni Kathryn, aminado naman siya na hindi talaga siya singer, pero marunong naman daw siyang kumanta. Hindi naman daw porke’t hindi siya profesional singer ay wala na siyang karapatang magka-album, samantalang marami rin naman daw artistang hindi singer na nagkaroon ng album at bumenta.

Deadma na lang daw si Kathryn sa kanyang mga bashers at pasasalamat naman daw ang gusto nitong iparating sa kanyang mga tagahanga at sa mga taong masaya at sumusuporta sa kanyang album.

Joel-Cruz-His-TwinsJoel Cruz, gustong magkaanak ulit

ADVERTISING

DUMATING NA sa bansa mula sa ilang linggong pamamalagi sa Russia ang mabait, matulungin at very generous na CEO/President ng Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures, kung saan muli itong nakipagkita sa ina ng kanyang kambal na sina Prince at Princess para magkaroon muli ng anak.

Natutuwa raw si Sir Joel dahil marami ang masaya sa kanyang desisyon kaugnay sa pagkakaroon nito ng dagdag na babies.

“Kakatuwa, updated ang mga tao regarding sa future babies ko. Excited din silang malaman kung kakayanin ng tatalong fertilized embryos or triplets.”

Dagdag pa nito, “Dalawang surrogate mothers ang kinuha ko. Kaya kung twins pareho, apat agad. HeheHe! Kapag triplets pareho, anim naman.

“Pero this December or January ko pa malalaman kung pregnant silang dalawa. Let’s pray for it,” pagtatapos na pahayag ni Sir Joel.

Steven-VillarealDating That’s Entertainment member Steven Villareal, ikinasal na

IKINASAL NA ang dating That’s Entertainment member na si Steven Villareal kay Eva Mariam G. Dulatre, tubong San Mateo, Isabela sa Archdiocese of Manila, Immaculate Concepcion Parish, kilalang simbahan ng San Agustin sa Intramuros.

Tumayong mga ninang nila sina Coun. Re Fugoso, Ms. Crispina Belen, Chairwoman Arlene Divina Gracia, Ms. Nona Peralta, Ms. Juana Gapasin, Ms. Trinidad Gabayan, Ms. Natividad Alcantara, Ms. Leony de Leon, Rose Gardner, Flocerfina Gabayan, and Aida Ramos. Samantalang mga ninong nila sina Atty. Luch Gempis, Mr. Bert Villarosa, Mr. Allan Abiertas, Mr. Mamerto Antonio, Sr., Mr. Dominador Mejia, Mr. Maximiano Gabayan, Mr. Romeo Gapasin, Mr.Bernabe Marcos, Mr. Rudy Dilla, and Mr. Sagar Verma.

Maid of honor naman ang sister nitong si Star Villareal; bride’s maids sina Khim Mendoza, Annabelle Gavino and Grace Rufino; best man sina Stanley Villareal; groom’s men sina Mark Jhon Arqueza and Jhay-R Villareal; flower girls sina Derick Sofielle Sarmiento, Sofia Mae Gragasin and Fatima Negro; ring bearer si Mark Jerick Angelo Arqueza; coin bearer si Jeremy Gragasin; Bible holders si Emmanuel Pura Nona Peralta, Cecille Villareal – the couple’s mom, Coun. Re Fugoso and Ms. Crispina Belen; secondary sponsors are candle – Rolly and Gina Bautista; veil – Stalin and Veberly Samson; and cord – Roderick Sarmiento and Omnie de Guzman.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING