Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinakatinilian sa The Naked Truth fashion show ng Bench

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinakatinilian sa The Naked Truth fashion show ng Bench

Kathryn-Bernardo -Daniel-PadillaPINUNO NG hiyawan at palakpakan ang SM MOA Arena sa naganap na Bench The Naked Truth noong Sept. 20, 2014 sa dami ng artistang rumampa. Kaya naman dinagsa ito ng libu-libong manonood para sakaihan ang bongga at engrandeng fashion show na ito.
Kanya-kanyang gimik ang ilang artsitang rumampa na talaga namang mabentang-mabenta sa mga manonood. Ilan sa mga artistang talaga namang hiniyawan ay ang magka-loveteam na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ang gimik ay kunwaring nag-magic si Daniel na may hawak na pulang tela na biglang nagkaroon ng red roses na binigay nito kay Kathryn sabay yakap na umani ng malakas na hiyawan.
Hindi rin naman nagpatalbog si Jake Cuenca na naka-supporter na kitang-kita ang pisngi ng kanyang behind na click pa rin sa mga audience. Umani rin ng hiyawan ang animo’y pagdukot-dukot ng kanyang hinaharap ni Martin Del Rosario at ang pagrampa ni Ellen Adarna na halos kita na ang kanyang behind sa nipis ng kanyang suot na underwear na umani ng hiyawan sa mga lalaking nanood.
Ilan pa sa mga rumampa ay sina Allison Harvard, Kim Chiu, Enchong Dee, Coco Martin, Markki Stroem, Julia Montes, Borgy Manotoc, Sarah Lahbati, Richard Guttierrez, Miko Raval, Gil Wagas, John Spainhour, Jodillyn Pendre, Sam Concepcion, Max Collins, Marian Rivera, Carla Abellana, Rayver Cruz, Samantha Rodriguez, Dominique Cuangco, Jeric Teng, Jeron Teng, Andre Paras, Solenn Heusaff, Semerad Twins, Joseph Marco, Tom Rodriguez, Dennis Trillo, Diana Zubiri, Pancho Magno, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Shaina Magdayao, Paulo Avelino, Isabelle Daza, Jessy Mendiola, Dominic Roque, atbp.

June Macasaet pupunta ng China para sa isang modeling competition

BOUND TO China ang 2012 Mr. Manhunt International at image model ng New Placenta for Men ng Psalmstre na si June Macasaet, kung saan nakatakda itong mag-modelo roon mula Sept. 25-30, 2014.
Si June lamang daw ang tanging Pinoy na kasama sa nasabing fashion show, kung saan makakasama nito ang ilan pang modelo mula sa iba’t ibang bansa at sa finale ng show ay magkakaroroon ng awarding sa kung sino ang tatanghaling magaling na modelo na kasama sa fashion show. Pipilitin daw ni June na maiuwi ang Best Male Model para na rin sa bansang Pilipinas.
Bukod sa pagmomodelo ay pinasok na rin ni June ang pag-aartista kung saan nakasama siya sa Dyesebel ng ABS-CBN at sa pelikula ng Star Cinema na kapapalabas pa lamang na Maria Leonora Theresa na isang suspense-horror film. Nakatakda ring lumabas ang kanyang sexy pictorial para sa New Placenta for Men 2015 Calendar.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING