Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, panay ang pa-sweet sa isa’t isa

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, panay ang pa-sweet sa isa’t isa

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaMARUNONG MAGPAKILIG ng tumbong itong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maraming KathNiel fans ang tila kinilig ang tumbong nang makita nila ang photos ng kanilang idolo matapos itong mai-post sa social media.

And pinakakinilig sila, obviously, ay ang isang photo na parang hinalikan ni Daniel si Kathryn. Nakatalikod ang dalaga at nakaharap sa kanya si Daniel na parang hinahalikan siya.

If it was indeed a kiss, siguro naman ay sa pisngi lang o kaya sa noo niya hinalikan si Kathryn, ‘no! Siyempre, papayag ba naman ang dalaga na halikan siya sa lips ng binata?

Anyway, marami pang sweet photos ang dalawa na kuha sa abroad. Nagpunta kasi sa Canada ang dalawa kasama ang iba pang Kapamilya stars for a show.

ADVERTISING

“What’s new?lahat ginagawa yan,!”

“Nothing wrong mag bf nman sila…Mga Pilipino tlaga.”

“Cla na nba tlaga?prang wla pa clng inamin pa….kung cla na yehey hehe.”

Ilan lamang ‘yan sa mga nakita naming comments.

Napansin lang namin, parang lately ay panay ang pa-sweet ng dalawa sa isa’t isa. Sa mga photos nila, parang lalanggamin na sila dahil sobra silang sweet. Ito kaya ang paraan nila para mas lalong kiligin ang mga fans nila? O ito ang paraan nila para ipakitang OA sila as a love team kahit na nabahiran na sila ng intriga dahil sa kumalat na audio-video ni Daniel kung saan nilalandi raw nito si Jasmine Curtis-Smith?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING