Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, obvious na

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, obvious na

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaHALATANG THERE is something between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla na. Kung dati-rati’y pa-tweetums lang ang sagot ng dalaga kapag tinatanong siya kung kumusta ang puso niya sa panunuyo ng binatillyo; as always you don’t get confirmation kung ano talaga ang estado nilang dalawa.

Pero kutob ng marami (maging kami man) tila malinaw pa sa sikat ng araw na there is something between the two.

Sino ba naman ang hindi made-develop sa kapartner mo kung halos araw-araw na ginawa ng Diyos at kasama mo siya sa mga lakad? Tinatapos nila ang shooting ng She’s Dating the Gangster na bagong pelikula nila from Star Cinema. Bukod pa sa halos minu-minutong pagte-text ng binata sa dalaga at siyempre kasama na ang mga calls ng pangungumusta kung hindi man sila magkasama sa araw na ‘yun.

Kaya nga hindi totoo ‘yong sinasabi ng ibang artista na “friends” lang sila ng kapartner nila sa pelikula or sa isang teleserye na ginagawa nila, unless ang isa sa kanila ay hayagan na may nililigawan or may commitment na.

ADVERTISING

Pero sa estado nina Daniel at Kathryn, both are very much single and “uncommitted” kahit sabihin na natin na tinutumbok nila ang “commitment” sa isa’t isa kung ano man sila ngayon.

Nang tanungin si Kathryn during the press launch ng pelikula nila, na ipalalabas na sa July 16, kung masaya ba ang puso niya, hindi nakasagot nang diretsahan ang dalaga. Napahagikhik. Kung wala naman, puwede at madali niyang sagutin ang tanong. Pero tumingin muna ang dalaga sa mga mata ni Daniel na alam mo, basa mo na may “something” sa kanilang dalawa. Kung ano man ‘yun, malamang ‘yun na ‘yun, na sigurado akong ikatutuwa ng binata lalo na ang mga KatNiel fans.

Kung sa bagay, sa pag-ibig, no need ng verbal confirmation na “Yes, kami na.” “Oo mag-boyfriend na kami.” “Kami ang mag-girlfriend.” “My commitment kami sa isa’t isa.” Sa inyong dalawa, alam n’yo kung ano ang estado ninyo at nagmamahalan kayo.

Ang mahalaga, happy si Kathryn lalo na si DJ (palayaw ng binata) ay ayos na. No need to explain dahil ‘yun na ‘yun, ‘di ba Kathryn?

Inamin ni Kathryn sa amin, mas type niya si Daniel na clean type at short hair. “Ayaw ko sa kanya na long hair siya. Mas guwapo siya kung ano man ang itsura niya ngayon. Gusto ko sa clean type siya na ang bango-bango. Ang kati-kati ng long hair wig niya.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING