Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, napeke ng isang fan

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, napeke ng isang fan

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaGALIT NA galit ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang Janine Martinez.

Nag-trending si Janine Martinez worldwide on Twitter recently. Da who si Janine Martinez?

Well, siya raw ay isang solid KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) fan na namatay diumano dahil sa leukemia.

Bago namatay ay nag-message pa si Janine na gusto na niyang mamatay para libre niyang masubaybayan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang nagsi-shooting ng She’s Dating The Gangster.

ADVERTISING

Kaya lang, nabuking ng KathNiel fans na peke pala itong si Janine, na hindi pala ito totoong Janine Martinez. Worse, hindi pa pala ito patay. Gumawa lang siya ng eksena para pag-usapan sa social media.

“Death jokes aren’t funny at all! Janine Martinez, who ever you are, happy now? You made all the KN Fans believe you! God bless. :>” say ng isang female fan.

“Na-Janine Martinez tayo! Solid /m/” came the reaction of Daniel.

Sino nga ba itong Janine Martinez na ito? Can she come forward and explain her side.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING