Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, napapasama dahil sa pinaggagawa ng fan

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, napapasama dahil sa pinaggagawa ng fan

Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoTHERE IS one KathNiel fan na parang naghahamon, nangugulo at nang-iintriga. Her post asking fellow Kathniel fans to do harm kina Nadine Lustre at Liza Soberano got posted and it certainly painted an ugly image not just for her but for Daniel Padilla and Kathryn Bernardo as well.

Say ba naman ng fan, kapag nakita ng Kathniel fans sina Nadine or Liza ay tapunan nila ito ng kahit na anong bagay like bag para maloka. At kung ma-sight nila ito sa isang popular fastfood chain ay buhusan daw nila ito ng oil or softdrink.

Kaloka ang walang pinag-aralan, walang modo, at walang urbanidad na fan na ito, ha?

Is she insecure kina Nadine at Liza just because umaariba na rin ang careers ng mga ito? Nate-threaten na siya?

Ang feeling namin ay walang alam sina Daniel at Kathryn sa “utos” na ito ng fan. The fan might have felt na pasikat na nang pasikat sina Nadine and Liza, kaya naman she might as well do anything as if naman mapipigilan niya ang pagsikat ng mga ito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas