Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, napag-iiwanan na?

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, napag-iiwanan na?

Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoAKALA KO niluluto na ang bagong teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa Kapamilya Network.

Pero mali yata ang bulong sa amin na akala namin ay insider sa ABS-CBN dahil mas mauuna pa yatang ipalalabas ang dalawang bagong teleserye ng Kapamilya; ang bagong tambalan nina Enrique Gil at Liza Sobereño na Forever More at ang first team-up on television ng hottest young hunk at contender sa puwesto ni Daniel na si James Reid at Nadine Lustre sa My App Boyfie na produced ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.

At sina KatNiel? Saan na sila? Ano na ang kaganapan sa mga career nila?

Simula noong Lunes, paningit sina KathNiel sa Be Careful with My Heart, kung saan Kathryn portrays the role of the young Gloria Sevilla (as Manang Fe) na nabuhay ang “lovelife” sa dating boyfriend thru Facebook. Kumbaga, sina Kathryn at Daniel ang “flashback” segment sa kuwento ng buhay pag-ibig ni Tita Glo.

ADVERTISING

Cute ang peg ng pagpasok sa eksena ng karakter nina KatNiel. Pero tila hindi kaya sila napababayaan ng mother studio nila at naka-focus ngayon ang istasyon sa dalawang bagong loveteam?

I’m sure, issue ito sa mga KathNiel fans lalo pa’t katatapos lang ng teleserye ni Enrique with Julia at ngayon ay susundan naman ng panibagong teleserye with a new ka-loveteam in the person of Liza (alaga siya ng kaibigang Ogie Diaz).

At ang JaDine, well, malamang isang malaking treat ito sa KathNiel fans lalo pa’t ang lakas din ng hatak ng dalawa sa mga supporters nila, ngayon pa na may bagong teleserye sila na nagte-taping na sa pamumuno ni Deo Edrinal.

 

IMBES NA mapansin in a positive way, naging negative tuloy ang feedback sa starlet na si Kristel Moreno na isa sa mga Star Magic talent sa suot at eksena niya sa nakaraang 8th Star Magic Ball.

Akala ng hitad, awards night ng mga porn stars na ginaganap sa Cannes, France every time na ginaganap ang legitimate na Cannes International Film Festival.

Nakita namin sa isang photo na kuha sa nakaraang London Fashion Week ang gown na suot nitong si Kristel na gawa ng talented Pinoy na si Rocky Gathercole. Which is so fabulous at super ganda. Bagay sa modelong may suot na walang bilbil at sosyal na bagay kina J-Lo at Halle Berry (na minsan na rin binihisan ni Rocky), but not with this Kristel na tuloy nasira ang pangalan ni Rocky at naging laughing stock tuloy ang may suot na nag-ilusyon na magpaka-J-Lo or Halle Berry.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING