Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, magpapakilig sa Be Careful With My Heart

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, magpapakilig sa Be Careful With My Heart

Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoNGAYONG LUNES (Sept. 15) na lalabas sa kilig-seryeng Be Careful With My Heart ang Teen King na si Daniel Padilla at ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo. Ang magka-loveteam ang gaganap na batang karakter nina Manang Fe at Mang Anastacio nu’ng panahong nag-iibigan pa sila.

Tiyak na kikiligin ang Kathniel fans dahil muli na naman nilang mapapanood sa telebisyon ang kanilang idolo. At dahil istorya ng nakaraan nina Manang Fe at Mang Anastacio ang bibigyang-buhay nila sa flashback ng Be Careful, black and white ito lalabas.

Kita n’yo nga naman, hindi lang pala ang nakakikilig na istorya nina Ser Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria) ang dapat tutukan ng televiewers, meron pa palang surprise, huh!

Curious lang kaming malaman kung ilang araw tatagal sa Be Careful ang Kathniel. Hindi kaya mabitin ang kanilang fans dito?

ADVERTISING

Anyway, inaasahan na ng marami ang lalong paghataw sa ratings ng Be Careful With My Heart na napapanood bago mag-It’s Showtime dahil sa pagpasok ng Kathniel tandem. Hukbo-hukbong fanatics na naman ang tututok sa kilig-serye to show their support sa number one loveteam ng ABS-CBN ngayon.

At least, habang inaaayos pa ang bagong series nina Kathryn at Daniel sa ABS-CBN na ipalalabas sa unang buwan ng 2015, mapapawi ang pagka-miss ng maraming fans sa tambalan ng dalawa for a while dahil pumayag silang maging part ng Be Careful With My Heart.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING