Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ipinasok sa PBB para mag-rate?

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ipinasok sa PBB para mag-rate?

Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoTHERE IS no denying the fact na hindi nagre-rate ang Pinoy Big Brother kaya naman tila gumagawa ng paraan ang ABS-CBN management para pag-usapan ang show. Lately kasi ay puro nega ang mga issues sa Bahay ni Kuya, lalo na ‘yung nude challenge na ibinigay ni Kuya sa dalawang female housemates.

The latest chika na aming nakalap sa social media ay ang pag-surface ng memo para kay Daniel Padilla na nabasa namin sa Twitter.

“ratings have not been good since Ms. Sandara Park has left the house as a houseguest. We are asking you Daniel Padilla to enter the Big brother house for a period of time. This will also serve as a promotion of your upcoming movie. Star Magic had issue also this and gave us a signal upon your entrance to the house – PBB management.”

That’s what we read, na ewan kung true nga na memo ng Dos kay Daniel.

ADVERTISING

Pumasok na sina Daniel at Kathryn Bernardo sa Bahay ni Kuya and the episode became a trending topic. This already indicates that the young love team of Daniel at Kathryn is doing the show a big favor. Pinag-uusapan na ngayon ang show lalo pa’t may issue si Kath sa isa sa housemates, si Jane Oineza.

Hindi naman kataka-taka na biglang tumaas ang rating ng show sa Bahay ni Kuya now that Daniel and Kathryn are there. Actually, ang feeling namin ay magiging savior sila sa isang show na naghihingalo ang rating.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING