Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, grabeng makakilig

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, grabeng makakilig

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaANG PANGANAY naming anak, grabe ang love sa tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Juice ko, ang bilin sa akin ng 13-year old daughter ko ay ihingi ko raw siya ng poster at ididikit daw niya sa dingding ng kama niya.

Maging ang kanyang profile pic at cover ng facebook ay pinapalit-palitan niya ng mga dinudukot niyang photos ng dalawa.

Kaya itong Crazy Beautiful You na showing sa Feb. 25 ay kabilin-bilinan niyang panoorin namin ng buong pamilya.

At paulit-ulit ang pagre-remind niya sa amin sa tuwing nakikita niya ang trailer sa TV na kilig na kilig pa ang potah sa dalawa, hahahaha!

Sinimulang mahalin ng anak ko ang Kathniel sa Got To Believe at dumating pa sa point na kung ano ang buhok ni Kathryn, gusto nito ay ganu’n din ang kanyang hair.

Heto nga’t ang anak ko ay gusto na ring mag-artista, dahil gusto raw niyang maging kaibigan si Kathryn at si Daniel.

Kaya isa sa mga araw na ito ay sosorpresahin ko ang anak kong ito, ewan ko lang kung hindi siya mahimatay ‘pag nasa harap na niya ang mga idol niya, hahaha?

In fairness, ngayon pa lang ay maingay na ang Crazy Beautiful You lalo na’t natatagpuan mo na lang ang sarili mong nakangiti habang pinanonood ang full trailer na dinirek ni Mae Cruz kasama sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino.

I promised my daughter na panonoorin namin ito, basta ‘wag na lang siyang remind nang remind paulit-ulit, hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz