Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di na kailangang umamin

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di na kailangang umamin

1 Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaPAREHONG AYAW magsalita nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Kung sumasagot man sila sa mga tanong, puro indirect ito. ‘Yon nga lang, kitang-kita sa kilos o gestures ng dalawa ang lalim ng kanilang pinagsamahan.

Kumbaga, action speaks louder than words at enough na ‘yon para sa Kathniel fans para kiligin lalo na ngayong  bida ang magka-loveteam sa pelikulang Crazy Beautiful You ng Star Cinema na ipalalabas sa Feb. 25 under the direction of Mae Cruz. Aliw rin ang punchline ni Daniel na na-postponed ang Valentine nu’ng Feb. 14 dahil sa Feb. 25 ang movie date ng marami, huh!

Maganda ang trailer ng Crazy Beautiful You. Parang si Kathryn ang sosyalera rito at si Daniel ang bodyguard niya. Sey pa nga ng Teen King, ibang-iba raw ang role niya sa pelikula kumpara sa mga nagawa na niya noon. Sa totoo lang, kahit kami ay excited mapanood ang movie ng dalawa after naming mapanood nang ilang beses ang She’s Dating The Gangster na bongga ang kinita sa takilya.

Holiday ang Feb. 25 dahil anniversary ito ng EDSA Revolution kaya siguradong first day pa lang ng showing, katakut-takot na milyones na agad ang kikitain nito. Congratulations in advane to Star Cinema at sa cast ng Crazy Beautiful You.

La Boka
by Leo Bukas