Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, daig pa ang magdyowa sa sobrang sweet sa isa’t isa

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (Photo courtesy: Roxy Liquigan's Twitter)
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (Photo courtesy: Roxy Liquigan’s Twitter)

Ano ba talaga ang real score between Kathryn Bernardo at Daniel Padilla? Mag-MU, magsyota, o wala lang – for the sake of love team lang?

Sa kumalat kasing photos ng dalawa sa social media last week, kapansin-pansin ang pagiging sobrang sweet ng dalawa sa isa’t isa, na kung miron ka lang, iispin mong higit pa sa pagiging magka-love team ang namamagitan sa tinaguriang Teen Queen at Teen King ng Philippine showbiz.

Kuha ang nasabing mga litrato noong April 6 sa appreciation lunch ng nagtapos nilang teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo”.

Sabi ni Kathryn sa isang interview sa kanya, huwag na raw gawing issue ang tungkol sa ‘moments’ nilang iyon ni Daniel Padilla na nahuli ng camera.

Eh, ano pala ang dapat gawing issue sa kanila? Kahit kasi sabihing nakatutuwa at nakakikilig sa kanilang ‘hopeful’ fans ang eksena nilang ‘yon, masagwa pa ring maaktuhan sa ganoong sitwasyon ang isang babae’t lalaki na wala namang relasyon at wala ring inaamin sa estado ng kanilang relasyon.

Unless, ‘yong sinasabi ni Kathryn Bernardo na “ang importante ngayon, makita ng tao, tanggap naman na ganun” eh, pag-amin na rin niya na sila na nga ni Daniel, ‘di ba?

By Parazzi Boy