Kathryn Bernardo, dahilan ng pag-flop sa takilya ng Bonifacio

Kathryn Bernardo, dahilan ng pag-flop sa takilya ng Bonifacio

Daniel-Padilla-Kathryn-BernardoISANG DAHILAN daw kung bakit hindi masyadong kumita ang Bonifacio nina Robin Padilla at Daniel Padilla ay dahil hindi kasama sa said movie ang ka-loveteam ni Daniel na si Kathryn Bernardo.
Imbes nga raw na manood ang mga fans ng dalawa at suportahan ang pelikulang Bonifacio, mas pinili na lang daw ng mga itong i-deadma na lang at ‘wag nang panoorin ito dahil wala naman ang ka-loveteam nito. Bukod pa sa hindi type ng kanilang mga tagahanga ang ipinareha rito na si Jasmine Curtis-Smith na wala ring hatak sa manonood.
Kung si Kathryn nga raw ang isinama rito, baka kumita raw ang movie at hindi pumangalawa sa kulelat. At kahit ano nga raw ang pakiusap ni Robin sa mga KathNiel fans ay wa epek at hindi rin daw nanonood ang karamihan ng mga ito.
Joel-Cruz-TwinsJoel Cruz, ipinasyal sa HK Disneyland ang kambal na anak

PUMUNTA NG Hong Kong kamakailan ang buong pamilya ng CEO/President ng Aficionado Germany Perfume na si Sir Joel Cruz para magbakasyon.
Regalo raw ito ni Sir Joel sa kanyang pamilya at sa kanyang kambal na anak na sina Prince at Princess. Ililibot niya raw sa Disneyland at sa Ocean Park ang ang kanyang family.
Gift na rin daw ito ni Sir Joel sa kanyang sarili sa dami ng kanyang trabaho noong 2014. Para naman daw makapag-recharge siya at sa kanyang pagbabalik trabaho ay on the go na naman siya.
Happy nga raw ito dahil maganda ang taong 2014 sa kanyang negosyo na mas patuloy na lumalago, wish nga nito na ngayong 2015 ay magtuluy-tuloy ang suwerte ng kanyang business.

John’s Point
by John Fontanilla