Kathryn Bernardo, Christmas gift sa fans ang self-titled album

Kathryn Bernardo, Christmas gift sa fans ang self-titled album

Kathryn-BernardoFROM ACTING ay certified Recording Artist na ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo dahil meron na itong sariling self-titled album under Star Records, kung saan napapalooban ito ng mga sure hit songs at isa rito ang kantang “Mr. DJ” na orihinal na kinanta ni Megastar Sharon Cuneta at ngayon ay bibigyang-buhay muli ni Kathryn.

Tsika nga ni Kathryn na dream come true raw sa kanya ang pagkakaroon ng album. Aminado naman daw ito na hindi siya kasing galing na singer nina Lea Salonga at Sarah Geronimo pero ginawa niya raw lahat ng kanyang makakayanan para maging maganda ang kalabasan ng kanyang album.

Magsisilbing espesyal na regalo raw nito sa kanyang mga tagahanga ang nasabing album at sana raw ay suportahan at tangkilikin ng kanyang tagahanga, maging ang mga tagahanga ng KathNiel ang kanyang kauna-unahang recording album.

John’s Point
by John Fontanilla