Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, trabaho pa rin sa Iceland

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, trabaho pa rin sa Iceland

Daniel Padilla & Kathryn BerNARDO (courtesy of Instagram: carlaford1121)
Daniel Padilla & Kathryn BerNARDO (courtesy of Instagram: carlaford1121)

Umalis nitong weekend ng Pilipinas si Kathryn Bernardo kasama ang nanay niyang si Min para magpunta sandali sa Iceland. Ka-join sa entourage ang ka-loveteam ni Kathryn na si Daniel Padilla.

May pictorial kasi ang KathNiel para sa cover ng Mega Magazine at ang napiling lokasyon ng publisher ng magazine ay sa Iceland pa. Sosyal, ‘di ba?

Hindi masasabing bakasyon ang ipinunta ni Kathryn sa Iceland, pero kahit papaano, makapapahinga na rin sila ng mommy niya. Ratsada kasi ang dalaga sa promo at sa napakaraming pinuntahang block screenings para sa movie nila ni Daniel na “Barcelona: A Love Untold” na nasa second week na ngayon.

Pagkatapos sa Iceland ay pupunta ulit ng Thailand si Kathryn para sa isang commercial shoot, then pag-uwi niya ng bansa, may TVC rin siyang gagawin para sa Ajinomoto.

ADVERTISING

Ang busy, huh! Buti na lang at hindi siya nagkakasakit.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING