Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa June na magsi-shoot ng pelikula sa Barcelona, Spain

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa June na magsi-shoot ng pelikula sa Barcelona, Spain

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Pagkatapos ng “Pangako Sa ‘Yo”, ‘di muna mapanonood sa teleserye ang Philippine Showbiz Teen  Queen at Teen King na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Bagkus ay muli na naman silang mapanonood  sa big screen para sa Star Cinema na isi-shoot sa Barcelona, Spain, kung saan si Direk Olivia Lamasan ang kanilang magiging director sa said movie na nakatakdang i-shoot this June 2016.
First time nga raw nina Kathryn Bernardo at Daniel na makarating ng Barcelona, Spain kaya naman sobrang excited na raw ang mga ito sa kanilang pelikula.
Gagampanan dito ni Kathryn ang isang millennial na kabataan na nais mag-escape sa dating buhay at magsimula ng bago, kaya aalis siya ng bansa para simulan ang panibagong buhay sa Spain.
Samantalang isang kabataan naman na misyonaryo sa Barcelona, Spain ang role na gagampanan ni Daniel Padilla.

 

Jestin Manalo, Perla Bautista and Justin Lee
Jestin Manalo, Perla Bautista and Justin Lee

Jestin Manalo, saludo sa husay umarte ni Ms. Perla Bautista

MULA SA Grupong Hype 5 ang lead actor na si Jestin Manalo sa pelikulang “Mother and Son” na pinagbibidahan din nina Justin Lee at Ms. Perla Bautista at hatid ng SMAC TV Productions, sa direksiyon ni Chrysler Malinay.
At kahit nga raw nagsosolo na sa paggawa ng pelikula, walang balak na iwan ni Jestin or Jeckoy ang kanyang grupo.
“Wala po akong balak iwan ‘yung grupo ko, kahit umaarte na ako. Sasama pa rin ako sa kanila hangga’t kaya ko.
“Happy nga po sila sa akin kasi may pelikula na ako. Sa amin naman kasi, kung ano ‘yung na-achieve ng kasama namin, parang achievement na rin naming lahat. Malay natin next time, sila naman ‘yung magkaroon ng pelikula.”
First time daw na umarte sa pelikula si Jestin at medyo nahirapan daw ito.
“First time po ako pagdating sa pag-arte, kasi mas nasanay ako sa singing at dancing sa group namin. Kaya nga nu’ng first shooting, kinabahan talaga ako, lalo na nang makita ko si Ms. Perla Bautista. Ang galing-galing niyang umarte at ang bait-bait niya. Gina-guide niya ako at binibigyan ng advice.
“Magaling din si Kuya Justin, kahit na pareho kaming first timer dito.”
Wish daw nito na magustuhan ng mga manonood ang pelikula nilang “Mother and Son, Ang Kuwento ni Nanay”.

John’s Point
by John Fontanilla