Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa Iceland naman pagkatapos ng Barcelona

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa Iceland naman pagkatapos ng Barcelona

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Pagkatapos umapir ng beauty ni Kathryn Bernardo sa New York para sa “ASAP” ngayong Sept. 4 para sa mga kababayang Pinoy sa Amerika at mag-promote na rin ng “Barcelona: A Love Untold” na movie nila ni Daniel Padilla, fly agad ang dalaga sa Thailand kasama ang madir na si Mommy Min.

Magsi-shoot ng shampoo commercial si Kathryn saThailand, pero hindi pa namin puwedeng sabihin kung anong brand ito. Lilipad siya sa Thailand na hindi kasama si Daniel dahil kaagad daw uuwi ng Pilipinas ang binata para rin sa promo ng kanilang movie.

Sa Sept. 9 ang balik ni Kathryn sa Pilipinas ayon sa mommy nito. Agad namang sasabak ang KathNiel sa iba pang promotional campaign for the movie na showing na sa Sept. 14. A-attend din ang dalawa ng premiere night  na tiyak na susugurin ng fans bukod pa sa mga maraming block screenings na naka-schedule.

Nabalitaan din namin na after ng showing ng “Barcelona” ay lilipad sina Kathryn at Daniel sa Iceland para naman sa isang magazine shoot. Another bonding moment na naman ito for the two at pahinga na rin siguro, dahil tiyak mapapagod sila sa kapu-promote ng “Barcelona”.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING