Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, regalo sa supporters ang kissing scene sa “Barcelona”

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, regalo sa supporters ang kissing scene sa “Barcelona”

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Panay ang sabi nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mature na sila sa latest movie nilang Barcelona.

“Alam mo sa mga KathNiel fans, magugulat at maninibago sila sa amin. Ang layo talaga. Ibang-iba ito sa ‘Crazy Beautiful You’ at ‘She’s Dating A Gangster’. Ang layo nito, ang layo ng characters namin dito. Nandoon lahat, eh, pati posture, pati paglalakad, iba,” say ni Daniel.

“Ito talaga ‘yung pinaka-mature na nagawa namin. Parang aminado kami ni DJ na nagugulat din kami sa mga eksena, kung paano ang pagkasulat, kung paano ‘yung ano. Sabi namin, very mature na tayo. Hindi ganito ang mga problema sa mga scenes natin before, tapos ngayon tina-tackle na namin sa mga eksena, ‘yung sa emosyon. ‘Yung pagpapakilig namin, ‘yun ‘yung binantayan ni Inang (director Olivia Lamasan). Kasi ang gusto niya, hindi ‘yung kilig na nakikita sa TV, sa ‘She’s Dating A Gangster’. Ito, ang layo, ang layo talaga. Totoo talaga ito,” Kathryn explained.

Nang matanong kung may kissing scenes sila ni Kathryn, Daniel dropped hints na meron.

ADVERTISING

“Siguro ganito na lang. Ito na ‘yung maibabalik namin sa five years na sumusuporta sa amin. Ito na siguro ang regalo namin.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING