Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinasok na rin ang pagnenegosyo

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinasok na rin ang pagnenegosyo

TAMA lang ang ginawa ni Kathryn Bernardo na bata pa lang ay may interest na itong pumasok sa negosyo. Yes, the business is about “kuko”. Huwag kayong matawa sa bagong negosyo ng dalaga dahil lahat naman ay nagiging vain na ngayon na kahit lalaki nagpapa-nail spa.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinasok na rin ang pagnenegosyo
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinasok na rin ang pagnenegosyo
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla with co-star Matteo Guidicelli in Star Cinema’s “Can’t Help Falling In Love”

Nope, ang mga boys, hindi po sila mga beki-bekihan. Mga metrosexual lang sila na gustong makipagsabayan sa porma at linis ng kababaihan.

Sa isang media conference para sa movie nila ng “boyfie” na si Daniel Padilla (naku, ayaw pa rin maging verbal ng dalawa) na “Can’t Help Falling In Love” na isang level-up romcom ng dalawa na sa Sabado de Gloria (April 15) na ang showing nationwide, naikuwento ng dalaga ang bagong venture at challenge na pinasok niya.

“Actually excited din ako. Last week lang nag-photoshoot na kami para sa nail salon ni mama.

ADVERTISING

“Noong una, naglalaru-laro lang kami, ang saya saya niyang gawin kasi mahilig akong magpa-nail spa. So gusto naming ma-experience din ng ibang tao,” kuwento ni Kath tungkol sa nail spa na may pangalang “KathNails” na mag-o-open na next month (May) sa Quezon City.

May playtime nga during the media conference na ang KatNails ay baka tawagin ding “KathNiels” ng fans ng dalawa, gayong katunong ng pangalan ng love team nilang “KathNiel”.

Si Daniel naman, nakikipag-meeting na rin sa future partners niya sa negosyong papasukin with cagers like Paul Artadi, Marc Pingris, at James Yap na tatawagin nilang “District 8 Manila”.

Hindi pa nire-reveal ng binata ang detalye ng negosyong pinasok niya, pero may kutob ako na it has do something with basketball na hilig at sports ni DJ.

Sa ngayon, busy ang dalawa sa promo ng pelikula nila under the direction of Direk Mae Cruz Alviar. Makasasama ng KathNiel sina Janus del Prado at Matteo Guidicelli.

Bukas, Thursday, nasa Cebu sina Kathryn at Daniel to promote their movie.

ADVERTISING