Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pigil sa kanilang ‘real score’

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pigil sa kanilang ‘real score’

Kathryn-Bernardo-Daniel-Padilla Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaIKINUWENTO NI Kathryn Bernardo na minsan daw natakot siya, dahil pinatay naman daw niya ang blower, tapos, nu’ng nasa lapag na, biglang nag-on, kaya ang tanong ko sa kanila ni Daniel Padilla sa presscon ng Pagpag (Siyam Na Buhay) ay, “Hindi ba kayo nainggit sa blower? Dahil buti pa ang blower, nag-on, eh kayo?”

“Or, nauna kayo kesa sa blower?”

Panay lang ang tinginan ng dalawa na hindi mo mawari kung aamin ba sila o pipigilan nilang magsabi ng totoo sa kanilang tunay na nararamdaman?

Hahahaha! Mga kabataan nga naman.

ADVERTISING

Actually, aliw na aliw kami sa KathNiel sa Got To Believe, kaya ‘pag napapaaga ang uwi namin sa bahay ay hindi puwedeng hindi namin ito panoorin, dahil gusto naming kiligin ‘pag may time, hahahaha!

Anyway, tingnan natin kung sa showing ng Pagpag sa Pasko ay kiligin pa rin kami. O takutin kami sa kilig. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING