Kathryn Bernardo at Daniel Padilla magpapakilig ngayong May sa ‘2 Good 2 Be True’

THE LONG WAIT is finally over! Mapapanood na natin gabi-gabi sa primetime ang hottest real and reel tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla a.k.a. KathNiel simula sa darating na May 16, 2022 via the new show ‘2 Good 2 Be True‘.

Trailer pa lang ay umaapaw na ang sexual tension at chemistry ng KathNiel. Daniel Padilla will play the role of Ely habang si Kathryn ay gaganap bilang Ali. Isang araw ay magkukrus ang landas ng dalawa sa isang hotel.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla magpapakilig ngayong May sa '2 Good 2 Be True'
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in ‘2 Good 2 Be true’

Sa pagkakataon na iyon ay may nakawang naganap sa nasabing hotel at determinado si Ali na patunayan na may kinalaman si Ely sa nangyari.

Limang taon na rin nang huling lumabas ang KathNiel sa fantaseryeng ‘La Luna Sangre’.

Ang star-studded cast ng new teleserye include Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, and Irma Adlawan, along with Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, and Smokey Manaloto.

Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, and Pamu Pamorada are also part of the project. Gillian Vicencio, Kristel Fulgar, Bianca de Vera, and Alyssa Muhlach ang kukumpleto sa cast.

Mapapanood simula May 16 sa mga Kapamilya online platforms tulad ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TV5, iWantTFC, and TFC.

Pumasok rin ang good news na mapapanood din in advance ang episodes ng ‘2 Good 2 Be True’ sa Netflix. Bongga!

KathNiel lovers, excited na ba kayo?