Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mag-on na!

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mag-on na!

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mag-on na!BLIND ITEM: Alam naman natin na ‘pag magkapatid na ang nag-away, ‘wag kang kumampi kahit kanino sa kanila, dahil magkapatid nga ‘yan, magkakaayos din ang mga ‘yan.

‘Pag me kinampihan ka, sigurado, ‘pag nagkabati ang mga ‘yan, galit naman sa ‘yo ‘yung isa.

Kaya hangad namin na sana ay magkaayos na ang magka-patid na ito na parehong aktibo sa showbiz.

Nabubuwisit kasi itong si Bunso ke Panganay, dahil hanggang ngayon, ‘yung P1.8M na utang sa kanya ni Panganay ay hanggang ngayon, hindi pa siya nababayaran.

ADVERTISING

Ang masaklap pa du’n, nagmamalaki pa raw si Panganay, kaya sa buwisit ni Bunso, kung anu-ano na ang itinatawag sa Pa-nganay. At sasabihin naman ni Panganay sa kanya, “Bahala na ang Diyos sa ‘yo.”

Eh, nabubuwisit lalo si Bunso, dahil kung me Diyos sa puso ni Panganay, ba’t kailangang gumawa nito ng mga bagay na labag sa mata ng Diyos?

Gaya ng ano?

Una, hinding-hindi maka-limutan ni Bunso na “ineksenahan” ni Panganay ang kanyang syota eh, alam naman nitong syota niya ‘yon.

Pero kapatid eh. Anuman ang mangyari, magkakapatawaran ‘yan. Ang kaso mo, ‘yung hiniram sa kanya nitong P1.8M, hindi pa ibinabalik ni Panganay.

Hindi naman sa nanga-ngailangan si Bunso, ang punto lang nito, “Utang ‘yon, dapat, bayaran niya!”

Eh, ‘pag tinopak pa naman si Bunso, nagwawala ito at kung anu-anong masasakit na salita na ang ibinubuka ng bibig nito, kaya sa sobrang galit, tineks nito ang current syota ni Pa-nganay.

Something like, iwasan na si Panganay at baka bigyan siya nito ng sakit, dahil kung kani-kanino nali-link si Panganay.

Banta pa ni Bunso, “’Pag hindi pa niya tinigilan ang kaplastikan niya at hindi pa niya ‘ko binayaran, makakatikim siya sa akin at wala akong pakialam kung mas matanda pa siya sa ‘kin!”

Hay, nako… ammm… makapagbanyo nga muna’t bigla kaming naihi!

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mag-on na!

MAY NAKAPAGTSIKA sa amin na sa tunay na buhay pala ay mag-on na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

No, hindi porke tonight na after TV Patrol ang pilot telecast ng Princess And I, kaya namin ‘to itsinitsika sa inyo.

Unang-una, hindi naman kami invited sa presscon nila. May isang “ibong pipit” lang kaming nakausap na mag-on na ang dalawa. At ang bilin lang nito’y ‘wag namin siyang i-quote.

Eh, madali ka-ming kausap, kaya wa kami ispluk kung sino’ng source. Ang nakakatuwa lang sa source, nagbilin pa ‘to na ‘wag sanang “lumampas sa guhit” ang dalawa.

“I-enjoy muna nila ang kanilang kabataan at magpayaman muna sila sa kanilang career bago sila mag-ano… alam mo na!”

Alam na namin.

Pero feeling namin, parehong may pangarap ang dalawa na marating sa kanilang career, kaya I’m sure, magbe-behave naman ang dalawang ‘yan.

 

TINATAYANG MAKAKA-P80M ang total gross ng pelikulang Moron 5, at ito ay in fairness, maganda na, ha?

Nu’ng una’y nagkaroon pa ng isyu kung makikipag-co-prod ba ang Star Cinema sa Viva Films. Ang ending: sinolo na lang ng Viva ang buong pelikula.

Kaya nga kung ia-analyze namin, kung mag-co-prod ang dalawa since bonggang mag-promote ang Star Cinema, dapat, gumross ito ng P160M.

Ke solohin o mag-co-prod, ganu’n din ang suma, ‘di ba?

Anyway, let’s all move on. I hope natapos na rin ang isyu sa pagitan nina Boss Vic del Rosario at Ma’am Malou Santos, dahil napakaliit na lamang nitong industriya para mag-away-away pa.

Bati-bati na kayo para good karma.

 

Baka type n’yo lang i-like ang aming fanpage na “The Ogie Diaz” at ang aming podcast, paki-like na rin ang www.facebook.com/vibestayo, ha? Salamat po!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING