Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isasalang sa rom-com pagkatapos magdrama sa “Barcelona”

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isasalang sa rom-com pagkatapos magdrama sa “Barcelona”

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

May follow-up movie na sa Star Cinema sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pagkatapos ng blockbuster film nilang “Barcelona: A Love Untold”.

Nagkaroon na sila ng story conference, at ayon kay Kathryn, super excited siya na magsimula na ang syuting ng rom-com movie na follow-up after the success of “Barcelona: A Love Untold”.

“Kami rin excited personally, kasi nai-enjoy namin. Iba ‘yung vibe, tapos masayang gawin ‘pag rom-com and parang ‘yung makasasama namin dito, same group ng “Crazy Beautiful You” sa set. ‘Yung story rin very light, masaya kasi, masaya lang sa set,” kuwento ni Kath.
Si Mae Cruz ang naatasang magdirek ng bagong pelikula ng KathNiel at malaking challenge daw ito para sa kanya.
“Every project is challenging kahit sabihin natin na rom-com lang ito. It’s not easy because ang dami nang nagawa and ang dami na rin nila na gawa, ang dami ko nang nagawa. So how do we make it different? Siguro it’s a combination of us from what haven’t we done, what haven’t they done, what haven’t I done, plus kung ano pa ang babagay sa kanila given the maturity. So, we have to elevate them para iba naman ang maibigay,” pahayag ng lady director.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING
ADVERTISING