Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, inaabangan na ang pag-amin

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, inaabangan na ang pag-amin

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Bukod sa ibang TVC and print ad, visible ang magka-loveteam na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ngayon dahil sa bago nilang endorsement for San Marino Corned Tuna. Thanks to San Marino na sinabayan pa ang promo month ng upcoming movie ng KathNiel.

Malaking tulong ang publicity nila for the canned tuna para kahit papaano ay maging aware na rin ang publiko na bukod sa San Marino ay meron din silang bagong pelikula sa Star Cinema.

Bida ang KathNiel sa “Barcelona: A Love Untold” ng Star Cinema na ipalalabas na sa September 14. The film is directed by Olive Lamasan at kinunan pa ang karamihan sa mga eksena sa Barcelona, Spain.

Sa story board ng San Marino TVC, ipinakita kung paano nagsimula ang loveteam nina Kathryn at Daniel at ang bonding moment nila habang kumakain ng corned tuna with crackers. Sey pa nga ni Kathryn, “Actually, noong una ko pa lang natikman ang San Marino Corned Tuna, nagulat ako kasi, ang sarap!… and ever since, I like it with crackers. Tapos, healthy pa.”

ADVERTISING

Dagdag pa niya, “Kilig ang commercial.”

Para naman kay Daniel, napaka-natural daw ng pagkakagawa nila ng ad.

Anyway, wala mang pormal na pag-amin mula sa dalawa na mag-on na nga sila, pero sa nakikita namin, they really find their true love in each other.

Kung aaminin nila ang tungkol dito sa presscon ng kanilang pelikula, ’yan ang dapat nating abangan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING