Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, exclusive na sa isa’t isa

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, exclusive na sa isa’t isa

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Iba ang dating ng magka-partner na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang humarap sila sa media last Tuesday lunchtime para sa grand presscon ng kanilang pelikula na “Barcelona: A Story Untold” from Star Cinema.

ADVERTISING

Iba ang dating ni Daniel physically. Very guwaping na guwaping sa kanyang bagong hairstyle na parang ginulo na hindi sinuklay na kung titingnan mo siya, he looks like Johnny Depp. Kahit saang anggulo mo siya tingnan, guwapo ang binata. Si Kathryn naman, very sexy sa kanyang tila off white lace long dress na super taas ang slit.

Sa harap kami nakaupo. Sa front seat kaya pansin namin ang nuances ng dalawa. Si Daniel, palaging nakahawak sa makinis na binti ng dalaga. Unconscious ang dalawa na tinitingnan sila ng press.

Sabi, nag-level up na sila sa bago nilang pelikula.

ADVERTISING

Sa Barcelona, mas naging relax sila habang sini-shoot ang obra ni Direk Olivia Lamazan na sinulat ni Ms. Carmi Raymundo na mapanonood na nationwide sa September 14.

Sabi nga, mas may kagat daw ang mga eksena nina KathNiel sa pelikula. Mas matindi at marubdob ang mga eksena na hindi tulad dati na hindi pa bigay na bigay ang dalawa sa isa’t isa sa kanilang mga eksena.

Yes, may kissing scene sila na ayaw idetalye ni Daniel na sa tingin ko ay “super” passionate tulad ng hinala ng iba na mas matured na ang dalawa.

Sa totoo lang, sa loob ng limang taon ng love team nila, paunti-unti ay naibibigay naman nila sa kanilang fans ang mga inaasam ng mga ito.

Basta sabi ni DJ, “regalo” nila ni Kathryn sa mga taga-suporta ang ilang eksena na mahalaga para sa kanila, lalo na sa diehard KathNiel fans.

Sa pelikulang “Barcelona”, I’m sure hindi na lang smack sa pisngi o dampi sa labi lang ang mga eksena ng dalawa. Malamang at sigurado, mas mahigit pa.

Ngayon na panigurado ng binata na until now ay ayaw pa ring bigyan ng label ang “special friendship” nila ng dalaga, sabi ni DJ, exclusive sila sa isa’t isa.

Sabi nga ni Daniel, “Gaya ng sinabi ko, kumbaga, exclusive na kami. Wala nang puwedeng may dumagdag pang isa du’n. ‘Yun na lang ‘yun.

“Exclusive kami, bawal na ang isa pa,” pahayag ng binata sa panayam sa kanya na sa direstsahang salita ay off limits na si Kathryn na magpaligaw sa ibang lalaki.

Sa halos three weeks na shooting nila sa Barcelon, Spain, ang daming discoveries nina Daniel at Kathryn sa isa’t isa, reason kung bakit mas nag-level up na sila (on and off camera). ‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING