Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di na raw kailangang gumimik

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di na raw kailangang gumimik

Daniel Padilla & Kathryn Bernardo
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

Everytime na lalabas at very sweet sa isa’t isa ang Teen King and Teen Queen ng Philippine Showbiz na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sobrang saya ng ever supportive fans ng mga ito.
Kagaya na lang nang lumabas ang mga ito at nag-dinner na nakunan ng litrato at nalagay sa Internet ay tuwang-tuwa ang mga ito.
Ilan nga sa reaksiyon ng mga fans ay, “Eto ang totoo consistent si Daniel sa pagiging maasikaso kay kathryn oncam at offcam.Walang kyemeng bitbit ng bag or tali ng sapatos. Mas gusto ko naman na hindi sila umamin obvious naman sa galaw nila.”
“Eto ang totoong number walang halong promo blackbustered lahat walang flop di na kailangan ng kiss.”
“Most talk about love team no need to gimmicks.”
Ilan lang ‘yan sa mga message ng Kathniel fans na ramdam na ramdam ang pagki-care nia Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isa’t isa.

John’s Point
by John Fontanilla