Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di maiwasang mag-PDA!

ADVERTISING

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di maiwasang mag-PDA!

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di maiwasang mag-PDA!SA NAKARAANG victory party at thanksgiving mass ng Princess and I kamakailan, kung saan pinagpasalamat ng lahat ang consistent high ratings at magagandang nangyayari sa career ng mga artista nito, kapansin-pansin ang closeness at sweetness nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nawawala siguro sa isip na may mga press na nandu’n. Nand’yang magpunasan sila ng pawis, mag-holding hands na kahit sino ang makakakita ay iisiping may relasyon na ang magkapareha.

Kung saka-sakaling wala pa talagang pormal na relasyon, kahit kami ay sasang-ayon na mukhang may malalim na unawaan na sila. Nang tanungin nga namin sila tungkol dito, nakakatawa ang magkaibang sagot nila, kung saan para sa young actress ay malabo itong usapan at para naman kay Daniel ay malinaw na usapan ito.

Sa mga babaeng nagkakagusto sa young actor, pinagtatawanan na lang ito ni Kathryn, kung saan natatawa at nagugulat siya na makita lang ng mga ito ang kapareha ay parang mamamatay na sa kilig. Siniguro rin sa amin na wala siyang selos na nararamdaman kung may babae mang nagpapakita ng interes kay Daniel, kampante si Kathryn dahil bukod sa bukas ang aktor sa nararamdaman nito sa kanya ay mukhang consistent talaga ito sa pagpaparamdaman ng espesyal na damdamin kay Kathryn.

Binigyang-linaw rin ang lumabas na balita na nakita raw na nagbababad sa bahay nila ang young actress, aminado si Daniel na na-offend siya sa lumabas na kuwentong ito, dahil nakababastos sa kapareha lalo’t walang katotohanan. Pero inamin naman ni Kathryn na minsan ay naihatid niya sa bahay nito si Daniel dahil wala itong sasakyan.

ADVERTISING

Kung hanggang saan aabot ang espesyal na relasyon ng dalawa, hintayin na lang natin lalo’t mahaba-haba pa ang panahon na kinakailangan para patunayan ni Kathryn, lalo na ni Daniel, na totoo nga talaga at kaya nilang panindigan ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

 

SA NASABING victory party rin ay nakausap namin si Sofia Andres na pinapareha kay Khalil Ramos sa Princess and I. Siya ang gumaganap na nakababatang kapatid ni Kathryn sa istorya na may lihim na pag-ibig kay Khalil sa istor-ya.

Sa ngayon ay nakabuo na rin ng sariling hukbo ng mga tagahanga ang nasabing tambalan. Dahil nga sa mainit na pagtanggap din ng publiko sa Khalil-Sofia loveteam, matunog ang usap-usapan na may susunod ng proyekto na hinahanda para sa dalawa.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ‘di maiwasang mag-PDA!

Leading lady in the making dahil bukod sa maganda ay kinakikitaan ng husay sa pagganap si Sofia, kita rin ang magandang trato nito sa lahat kung saan ramdam mo ang charm at kakaibang appeal ng young actress. Tugmang-tugma ang kikay, prangka na karakter ni Sofia sa pagiging tahimik at seryoso naman ni Khalil.

‘Di itinago ng magandang aktres na hina-hangaan niya si Khalil at ito ang kanyang showbiz crush. Pero pangarap ni Sofia na makasama sa isang trabaho at makapareha si John Lloyd Cruz na isa sa pinakahinahangaan niyang aktor sa showbizness.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING