Kathryn Bernardo, asiwa kay Nadine Lustre

Kathryn Bernardo, asiwa kay Nadine Lustre

Kathryn-BernardoKAHIT NA anong pilit nina Boy Abunda, Toni Gonzaga, at Kris Aquino kay Kathryn Bernardo para paaminin sa tunay na relasyon nito ngayon kay Daniel Padilla, consistent pa ring pinagdiinan na in good terms sila ni Daniel at hindi pa raw umabot sa magdyowa na sila.

Sa bawat tanong kay Kathryn nina Kuya Boy at Kris sa The Buzz last Sunday, talagang walang mapiga sa young star.

Lumabas ang katalinuhan ni Kathryn sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng tatlong host. Ipinatigil na lang ni Kris ang mga maiinit na tanong sa young star nang mapansin nina Kris at Toni na namumula na ang dibdib ni Kathryn, tanda na nape-pressure na ito sa mga tanong.

Maging nang tanungin siya ni Kuya Boy kung sino sa mga nakasabay niya sa ABS CBN ang itinuturing niyang kalaban sa pagiging number one sikat na young actress sa Dos? Binanggit ni Kuya Boy sina Julia Barretto, Julia Montes, Janella Salvador, Nadine Lustre, atbp.

Ang naging sagot ni Kathryn ay may kanya-kanya silang katangian at forte sa pag-arte. At hindi pa raw niya maituturing na sikat at number one siya sa hanay ng mga female young star sa Dos.

Pero inamin ni Kathryn na medyo asiwa pa rin raw siya sa tuwing magkakasama sila ni Nadine sa show ng ABS-CBN.

“Hindi pa po kasi kami ipinakikila nang pormal na kami lang dalawa ni Nadine. Nagkikita kami minsan sa dressing room, pero hindi kami nagkakausap na kami lang dalawa.

“Pero kung mangyayari ay gusto kong magkausap kaming dalawa para mawala na ‘yung tsismis na magkaaway kami or may iringan,” say pa ni Kathryn.

Bago natapos ang interview nina Kuya Boy, Kris at Toni kay Kathryn na maituturing na rin isang cerfified blockbuster teen actress dahil sa super lakas ng pelikula nila ni Daniel na Crazy Beautiful You na idinirek ni Mae Cruz under Star Cinema, tinanong ito kung pinagbabawalan ba siya ni Daniel na magpaligaw sa iba at vice versa?

“Ako po. Hindi ko po pinagbabawalan manligaw si Daniel sa iba. Bata pa po kami at puwede niyang gawin kung ano ang gusto niyang gawin,” say ni Kathryn.

Pero singit ni Toni sa kanilang tsikahan, hindi raw payag si Daniel na magpaligaw si Kathryn sa ibang lalaki na hindi naman kinumpirma at itinanggi ni Kathryn.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo