Kathryn Bernardo, aminadong ‘di lahat ng tao gusto sila ni Daniel Padilla

Kathryn Bernardo, aminadong ‘di lahat ng tao gusto sila ni Daniel Padilla

Kathryn-BernardoHINDI RAW nagustuhan ng ABS-CBN Teen Queen na si Kathryn Bernardo ang lumabas sa social media na patay na ang kanyang ka-loveteam na si Daniel Padilla na marahil ay galing daw sa kanilang haters.

With matching picture pa ng kabaong kung saan nasa tabi nito si Kathryn at may nakalagay na ‘RIP’.

Tsika nga ni Kathyrn sa isang interview kaugnay sa kumalat na balita at larawan, “Siyempre hindi nakatutuwa, kasi parang below-the-belt na ‘yon. Pero siguro hindi na lang namin masyadong inisip ni DJ.

“So, parang kami, huwag na lang sigurong pansinin, kasi feeling namin mga bata lang ‘yung gumawa nu’n. Kung sino man ‘yung gumawa nu’n, alam niya sigurong mali ‘yun and sana huli na ‘yun na mangyari.”

Alam naman daw ni Kathryn na hindi lahat ng tao ay gusto sila. Pero sana naman daw ay ‘wag masyadong below the belt na ang mga ginagawa sa kanila na nakasasakit na ng dadamdamin ng tao.

John’s Point
by John Fontanilla