Kathryn Bernardo, 7th Platinum na ang self-titled album

Kathryn Bernardo, 7th Platinum na ang self-titled album

Kathryn-BernardoMAAGANG BIRTHDAY gift daw para sa kanyang 19th birthday ngayong March 26, 2015 ang pagiging 7th Platinum ng kanyang kauna-unahang self-titled album under Star Records na iginawad sa kanya last Sunday sa ASAP sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Regalo nga raw kay Kathryn ang pagkaka-feature nila ni Daniel sa isang New York magazine. At excited na rin daw ito sa pagsisimula ng kanilang bagong teleserye ni Daniel, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo.
Wish nga ni Kathryn sa kanyang kaarawan ang pagkakaroon ng good health sa kanya at sa kanyang buong pamilya at magdire-diretso pa ang magandang itinatakbo ng kanyang career.

 

 SMAC TV Earth Hour show, sa Linggo na

SA LINGGO, March 28, 2015, 8:30-9:30 pm sa Luneta Grounds magaganap ang show na hatid ng SMAC TV Productions ang “Earth Hour”.
Dito mapapanood ang Gawad Kabataan ambassadors na sina Justin Lee at Teejay Marquez at Gawad Kabataan correspondents na sina Angelica Feliciano, Chester Chua, Prince Teodoro Greco Gonzalo, at ang iba pang SMAC artists na sina Sky Cornejo, Dale Kazerooni na napapanood sa Once Upon Na Kiss ng GMA 7, Rain Calaunan, Sarah Gee, Megan Caguiat na napanood sa Wattpad ng TV5, Erwin John Cadelina, Carla Zara, Cariza Llena, at JM Capulong.
At magiging espesyal na panauhin dito ang mga ABS-CBN teen stars na sina Jon Lucas, Ella Cruz, at ang sikat na bandang Silent Sunctuary.

John’s Point
by John Fontanilla