KathNiel, tinalo ang AlDub, LizQuen, at KimXi

ADVERTISING

KathNiel, tinalo ang AlDub, LizQuen, at KimXi

KathNiel, tinalo ang AlDub, LizQuen, at KimXiWagi ang sikat na sikat na tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang ‘Movie Love Team of The Year sa 32nd PMPC Star Awards For Movies na ginanap last March 6 sa New Port Performing Arts sa Resorts World Manila.
Present at ‘di magkamayaw sa katitili ang mga tagahanga nina Kathryn at Daniel bilang suporta sa kanilang idolo na mas lumakas nang tinawag na ang dalawa bilang wagi sa nasabing kategorya.
Laman ng thank you speech ni Kathryn ang pasasalamat sa kanilang mga tagahanga na laging nandiyan sa kanila ni Daniel through thick and thin at hindi sila iniiwan.
Pasasalamat din ang nais nitong iparating sa ABS-CBN, ang kanilang home studio, at sa mga taong tumutok at nanood ng “Pangako Sa ‘Yo” at ng kanilang pelikulang “Crazy Beautiful You” na blockbuster sa takilya.
Pasasalamat din ang gustong iparating ni Daniel sa kanilang loyal supporters, ‘di lang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING