KathNiel movie, kumita ng P32-M sa first day

KathNiel movie, kumita ng P32-M sa first day

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaCONGRATS SA bumubuo ng Crazy Beautiful You dahil super blockbuster daw ito.  As of 9pm nga nu’ng first day ay naka-P32M na ito, ayon sa isang kausap namin sa Star Cinema.

Kaya ang aming pagbati kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Hindi pa namin ito napapanood, pero ‘yung isang laitera naming friend ay gustung-gusto ang pakilig ng dalawa.

“Gano’n ako, eh. ‘Pag pangit, hindi ako makatutulog hangga’t hindi ko naisusulat. Pero ‘pag maganda, ira-write ko rin na maganda.

“Tulad ng movie na ‘yan, kahit ganito na ako katanda, kinilig ako sa mga potah, huh! Paglabas ko ng sine, in love na in love ako.

“Gusto kong maghanap ng makaka-date, gano’n ang dating. Ang husay nang umarte ni Daniel. Ang galing niyang magpakilig,” sabi nga ni Roel Villacorta, isang movie writer na ang hilig ay manood ng sine.

Ang anak naman naming panganay na isang KathNiel fan ay excited na rin this weekend, dahil gusto nitong mapanood ang movie.

Pangako nga namin sa kanya, one of these days ay isasama ko siya ‘pag tiyak na makikita ko ang loveteam para personal siyang makapagpa-picture, alam na.

Anyway, congrats again sa Star Cinema, sa direktor nitong si Mae Cruz-Alviar at sa buong staff, crew and cast!

You nailed it!

You nailed it daw, o!

Hahahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz