KathNiel, kahit anong pagmamakaawa, ‘di natalo ang AlDub

ADVERTISING

KathNiel, kahit anong pagmamakaawa, ‘di natalo ang AlDub

Daniel-Padilla -Kathryn-BernardoHINDI NATALO ng KathNiel ang AlDub nang mag-request ang isang grupo ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ipaabot sa 3 million to 4 million tweets ang halikan nila sa kanilang teleserye. Ang #ALDUBAgainstALLODDS ay nakakuha ng 2.5 million tweets samantalang ang PSYUnanghalik ay nakakuha lang ng 2.11 million tweets.

ADVERTISING

Ang pagkakaiba nila, effortless ang AlDub love team dahil nagkusang mag-tweets ang sandamakmak nilang fans samantalang ang KathNiel fans naman ay nagmakaawa pa sa ibang fan groups nina Daniel at Kathryn para umabot nang milyon ang tweets nila.

“Real as in totoo and sincere ang mga tweets ng AlDub. Hindi sinolicit at humingi ng awa. Di tulad nung KathNiel, mega-makaawa na paabutin ng 2M tweets, kalahati nyan spambot pa LOL,” mataray na say ng isang AlDub fan.

“Sa totoo lang, effortless ang pagpatrend ng AlDub kc kahit hindi nila fans nakiki ht. eh yung PSY, madaling araw, nagpapa trend na para sa episode nila para sa episode sa gabi. Ikaw ba naman imotivate ng Mother Queen nila,” say ng isa pa.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING