Kathniel at Jadine, pinagsasabong

ADVERTISING

Kathniel at Jadine, pinagsasabong

James-Reid-Nadine-Lustre-Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaIKINUKUMPARA NA ang tambalang KathNiel sa Jadine. ‘Yan din ang mga nababasa naming comment posts sa social media. Naglalabanan pa nga ang kani-kanilang hukbo ng sandatahang lakas ng tagahanga kung alin sa dalawang tambalan ang mas kagat na kagat ng masa.
Pero ang maipapayo lang namin sa mga fans, eh hindi matatapos ang argumento ninyo kung sino ang mas “in” sa dalawang loveteams.
Mas magandang mag-focus kayo sa inyong idolo kesa mag-isip ng ikasisira ng karibal ng hinahangaan n’yong loveteam. Kung ‘yun ngang mga artista, hindi naman nag-aaway-away, bakit kailangang kayo ang mag-away-away?
Chill-chill lang, dahil mas sinasaluduhan ng mga artista ang mga fans nila na hindi warfreak.

ADVERTISING

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING