KathNiel fans, pinakabastos na grupo ng tagahanga

KathNiel fans, pinakabastos na grupo ng tagahanga

Kathryn-Bernardo- Daniel-PadillaANG MGA fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang masasabi ko personally na isa sa pinakabastos na grupo ng mga tagahanga. Hindi magkasya ang mga ungas na amuyin na lang ang utot ng mga idol nila at maging blind followers.

Ang daming mga nagmamarunong sa kanila na akala mo pinalalamon ng mga idolo nila. Dahil sa kabastusan ng mga tagahangang ito, nadadamay tuloy ang mga idol nila na mababait naman na hindi mga reaksyonaryo sa mga issue tungkol sa kanila. Ang tatapang ng mga gunggong na mga fans. Kung makapagsulat ng kanilang diskurso sa social media, akala mo may mga alam.

Pero arogante ang mga bastos, walang pinag-aralan na kung mag-bash sa ibang mga tao, akala mo sila na ang magaling.

Kaya nga kawawa si Jasmine Curtis-Smith sa KathNiel Fans na pinararatangan siya ng kung anu-ano.

Kung maalala n’yo pa, naging isang malaking issue ang tungkol sa pag-amin ni Daniel na ang voice recording na kumalat sa social media ay totoo, real at genuine na nagsasabi siya ng pagkagusto niya sa isang babae na dahilan para kiligin siya.

Inamin ni DJ na it was Jasmine (na kasama niya sa MMFF 2014 entry na Bonifacio ni Robin Padila), pero ang mga utak-dilis na fans, kung makapag-react, ang mga gunggong, akala mo nagtatawag ng World War 3.

May pagtangka pa nga na papatayin kami dahil hindi naaayon sa gusto nila ang panulat namin na ni minsan hindi man lang kami nakatangap ng pasasalamat sa magagandang naisusulat namin kina KathNiel. Parang hindi fair, ‘di ba? Hindi ko sila kilala, pero sila kilala ako. Anong laban ko?

‘Pag nagkataon, babastunin ko na lang ang mga bobo para tumigil na. Kung minsan, aliw na pagpatulan mo ang kabastusan ng mga fans nina Daniel at Kathryn.

Ang layo ng mga pag-uugali ng KATHNIEL fans sa mga JOSHANE (Joshua Garcia and Jane Oineza); JADINE (James Reid and Nadine Lustre) and other love teams sa kasalukuyan.

Reyted K
By RK VillaCorta