KathNiel, ‘di natinag ng JaDine at AlDub; pinatunayang sila pa rin ang hottest love team

ADVERTISING

KathNiel, ‘di natinag ng JaDine at AlDub; pinatunayang sila pa rin ang hottest love team

KathNiel, ‘di natinag ng JaDine at AlDub; pinatunayang sila pa rin ang hottest love team

Kathniel Appreciation Night

KathNiel, ‘di natinag ng JaDine at AlDub; pinatunayang sila pa rin ang hottest love team
Kathniel Appreciation Night

Bago ipalabas ang pelikulang “Barcelona: A Love Untold” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo last week, marami ang nagdududa kung popular pa rin daw ba ang tambalan ng dalawa.

Ang tagal din kasi nilang nawala sa eksena. ‘Yong last teleserye nila sa Kapamilya Network, medyo matagal nang natapos na sa last part ng serye, na-focus naman ang kuwento kina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion.

ADVERTISING

Pero iba pa rin pala talaga ang dalawa. Noong Wednesday, sa unang araw ng palabas ng pelikula, ratsada na kaagad sa box-office ang pelikula.

Pinatunayan nina KathNiel na nand’yan pa rin sila. In short, sila pa rin ang hottest love team sa bansa ngayon, sa kabila ng usap-usapan na sa pagpasok ng AlDub at JaDine sa eksena, naungusan na sila.

Sa first day of showing ng “Barcelona: A Love Untold”, hataw sa takilya ang pelikula. Ang fans at supporters nina Daniel at Kathryn, hindi nagpabaya sa kanilang idols.

May mga sariling block screening ang KathNiel fans at iba’t ibang paandar. Last Friday, may apat na block screenings ang fans ng dalawa sa Dolphy Theater na patunay lang na all out ang supporta ng mga tagahanga nila at hindi sila pinababayaan.

Kaya nga kahit pagod na sa halos lahat ng block screenings, nandoroon sila kahit saglit para pasalamatan ang walang sawang pagsuporta sa kanila ng kanilang mga tagahanga.

Last Friday rin, may paandar ang members ng KDKN (Kathryn Daniel KathNiel) Solidarity Community na isang Appreciation Night para sa ika-limang anibersaryo ng tambalan na isinagawa sa ABS-CBN compound, at sinundan din isang block screening sa Dolphy Theater.

Present sa event ang corporate sponsors nina Daniel at Kathryn. Maging ang publisher ng Mega magazine na si Sari Yap, present noong gabing ‘yun.

Sabi ni Mommy Min (ina ni Kathryn), paalis sila sa Friday, September 23, papuntang Iceland (sa Scandinavia) para mag-pictorial para sa Mega magazine.

Kung hindi ako nagkakamali, scheduled for release ang naturang pictorial ng dalawa for the Holiday Season (Christmas issue).

Noong Sunday (September 18), kahit pagod sa araw-araw na ratsada ang schedule ng dalawa sa sustaining publicity and promotion ng kanilang super box-office hit na pelikula, maaga pa lang ay nasa NAIA na sina KathNiel para sa kanilang biyahe patungong Kuala Lumpur, Malaysia para sa world premiere ng kanilang pelikula.

Monday night after the event sa Federal Theater (near Bukit Bintang), in-enjoy ng dalawa ang KL. Nagpa-picture pa sila with Petronas Tower as background.

Sa pagbabalik nila sa Manila (today yata ang schedule), rest muna ang dalawa.

Sa usaping career, pahinga muna sila at magsisimula na rin ang pre-production ng bago nilang teleserye na naka-schedule sa early part of 2017.

Congratulations, Daniel and Kathryn!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING