Katherine Luna, dancer sa mumurahing bar! by Tita Swarding

ADVERTISING

Katherine Luna,  dancer sa mumurahing bar! by Tita Swarding

PARANG NAAAWA ako sa kinahahantungan ngayon ni Katherine Luna, ang binansagan noon na ang babae sa break water dahil sa titulo rin ng kanyang pelikula kung saan humakot ang actress na ito ng tatlong major awards bilang best actress at win rin ito sa ibang bansa. Nalugmok ito sa intriga at ayun, hindi na napansin at bumalik ito sa dating buhay. Tsk! Tsk! Tsk! Ang nakakaloka ay mismong ako ang nakakita na sumasayaw na lang ito sa mga pipitsuging bar, as in, ka-cheapang bar talaga diyan sa kanto ng C-5, Mindanao at Quirino highway. Nakabalandra pa ang malaking mukha ni Katherine na kumikita lang ng kapirangot.

ADVERTISING

Marami ang nagsasabi na kung anu-ano na lang daw ang pinaggagawa ngayon ni Katherine sa buhay niya upang kumita lang ng pera. Sa internet din ay kalat na ang kanyang hubo’t hubad na video.

Ayon nga sa aking nakatsikahang kostumer diyan sa sinasayawan ni Katherine sa may Mindanao ay kahit magbobote ay kayang-kaya ang presyo ni Katherine. Naku, ha! Ganu’n na lang ba kababa ang presyo niya na kahit hindi kilalang bar at super ka-cheapan ay pinatulan niya? Naku, hija, ano na lang ang sasabihin ng mga jonakis mo niyan at lalo na ni Coco Martin kung saan ay nagkaroon kayo ng baby? Hmmmmm…’Yun na!

Ito ay nai-chika sa akin at itinawag ng isang unknown caller na ayaw magbigay ng name niya. chika sa amin, nahihirapan daw huminga ang TV host na si Willie Revillame dahil sa dinibdib daw nito ang mga pangungutya ng mga tao sa kanyang nagawang mali. Tinanong ko kung taga-saan siya, eh, ayaw talagang magbigay ng kahit anong information kaya pinakingan ko na lang ang kanyang panig. Nagtataka lang ako kung paano niya nalaman ang aking mumero.

ADVERTISING

Balik tayo kay Willie. Nagpatawag daw ito ng doctor upang mabigyan ng gamot at ma-check-up na rin ang TV host. Kung matatandaan, nagkasakit si Willie sa puso. Ganu’n na lang daw ang paninikip ng dibdib nito at nahirapang huminga ay dahil sa pagdibdib ng mga problema nito. Naku, ha! Sinubukan kong tumawag sa ilang malalapit na kaibigan para kumpirmahin ang chikang ito ngunit mismong sila rin ay hindi alam kung ano ang nangyari sa TV host. ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Not-so-famous sexy star, mabaho ang keps!

Ooola Chika

E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING