Kate Valdez at Yasser Marta magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: Ex Marks The Heart’

MAGPAPAKILIG ngayong Sunday sa GMA ang Kapuso stars na sina Kate Valdez at Yasser Marta sa pre-valentine presentation ng Regal Studio Presents na ‘Ex Marks The Heart‘.

Marami ngayon ang nahihilig tumambay sa coffee shops. Paano kung imbis na new love prospect ang makita mo ay isang lalaki na nang-ghost sa’yo ang bubungad sa’yo?

Kate Valdez at Yasser Marta magpapakilig sa 'Regal Studio Presents: Ex Marks The Heart'
Kate Valdez and Yasser Marta

‘Yan ang premise ng kuwento na mapapanood natin ngayong Sunday ng hapon. Kate Valdez will play the role of Andi, isang barista na maa-assign sa isang coffee shop ng headquarters. Mabibigla ito dahil ang bubungad sa kanya ay si Julius (Yasser Marta), ang kanyang ex-boyfriend na nakasama niya for two years pero ghinost siya three years ago. Ang saklap, ‘diba?

Dahil sa inis nila sa isa’t isa ay tila para silang aso’t pusa sa workplace, na mapapansin naman ng kanilang manager. Magiging smooth-sailing kaya ang pagsasama ng dalawa as co-workers sa coffee shop, or will it be a disaster? Pero paano kung love is lovelier the second time around?

Panoorin ang kilig special ng Regal Studio Presents na naging Sunday viewing habit na ng mga Kapuso. 4:35 pm yan sa GMA pagkatapos ng huling episode ng Dear Uge.