Kasong cyber libel laban kay Enchong Dee kinatigan ng prosekusyon

Leo Bukas

KINATIGAN ng prosekusyon sa Davao Occidental ang kasong cyber-libel na isinampa ng isang kongresista from the North laban sa Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Sinadya naming huwag na lang banggitin pa ang pa ang pangalan ng kongresista dahil baka sumikat pa siya. Char lang.

Kasong cyber libel laban kay Enchong Dee kinatigan ng prosekusyon
Enchong Dee

Anyway, nag-ugat ang demanda sa ipinost ni Enchong (Ernest Lorenzo Velasquez Dee sa tunay na buhay) sa social media laban sa magarbo at bonggang kasal ng kongresista na ginanap noong July 26 sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon.

Nakasaad sa nine-page resolution dated Nov. 16, ipinag-utos nina Davao Occidental prosecutors Socrates Gersava, Eleanor dela Pena at Marie Kristine Reginio ang pagsasampa ng kaso “for violation of the Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Si Enchong lamang ang bukod tanging pinasampahan ng kaso ng kongresista kahit pa kasama rin niyang kinasuhan noon ang singer-actress na si Agot Isidro (Maria Margarita Amada Fteha Isidro), at ang mga komedyanteng sina Pokwang (Marietta Subong-O’brian) at Ogie Diaz (Roger Diaz Pandaan).

Base sa lumabas na resolusyon, hindi maituturing na paninirang-puri ang mga ipinost ng ibang respondents dahil ipinahahayag lamang nila ang kanilang saloobin.

“Considering that these tweets are mere expressions of disapproval (or disgust, if you may) at varying degrees on the action, this Office could not attribute malice and ill motive to the said respondents who have taken upon themselves to be the so-called watchdogs of our society,” ayon sa bahagi ng resolusyon na inaprubahan ni Davao Occidental Provincial Prosecutor Marte Melchor Velasco.

Ang akusasyon ni Enchong noon sa animo’y  “malversation of public funds” na ginamit daw sa naganap na kasalan ang isa sa matinding grounds para ituloy ang kaso ng  complainant.

Lumikha rin ng negatibong impresyon ang tweet ng aktor na, “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let us not prolong this conversation and don’t say otherwise.”

Ayon pa sa korte, wala rin daw silbi ang public apology na ginawa ng binata pagkatapos ng kanyang naunang post.

“Calling someone a thief, without proof and with heavy malice, is where to draw the line as this is already libelous.”