Kaso sa sex video scandal nina Hayden Kho at Katrina Halili, muling bubuhayin?

ADVERTISING

Kaso sa sex video scandal nina Hayden Kho at Katrina Halili, muling bubuhayin?

Hayden-Kho-Katrina-HaliliEWAN KO lang kung bubuhayin uli ang sex video scandal nina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili.

Sabi kasi ng abogado ni Katrina na si Atty. Raymund Palad, baka kalkalin ang kasong pagkalat ng video na ‘yun at involved diyan si Cedric Lee na naka-detain pa ngayon sa NBI.

Kung si Katrina ang tatanungin, ayaw na niyang ungkatin pa ito. Ayaw na niyang buhayin pa ito at lalo namang wala na siyang balak na bumalik sa korte para magsampa ng panibagong kaso.

Pero siyempre, ginagawa lang ni Atty. Palad ang trabaho niya kaya baka mabuhay na naman ito.

ADVERTISING

Hindi naman kasi talaga kaso rito ang sex video scandal kundi kung paano ito kumalat.

Sino ang nagpasimuno ng pagkalat nito! ‘Yan ang maaaring diringgin ng korte at managot ang dapat na managot.

 

ANG DAMI nang nangulit sa amin kung sino raw itong kilalang male TV personality na involved na naman sa sex video scandal na maaring ito ang isa sa pasabog na gagawin ng Startalk.

Ang alam ko, napagmitingan na ito ng Startalk staff kung gagawin nila, pero hinihintay na lang yata ang go signal dahil ang alam namin sobrang tagal na ng video na ito.

Kaya lang kung nakita mo ang video, parang bago lang dahil parang hindi naman nagbago ang itsura ng male TV personality na ito.

Pero ayon sa aming source, matagal na raw itong nakunan at ang ka-partner pa nga niya na girl sa video na ‘yun ay nasa Australia na raw at nanahimik na sa kanyang pamilya.

Ang isang video ay kasama nitong TV personality ang isang magandang starlet na miyembro ng isang all-female sexy group.

Napabalita pa ngang may hawak daw ng video na ‘yun ang manager nitong starlet, pero nu’ng tinanong ng Startalk staff namin itong manager, itinanggi niya.

Nakita raw niya ang video na ‘yun, pero ang tagal na raw nu’n at nakalimutan na nga raw siguro ‘yan ng alaga niya.

Ang alam ko, nakarating na rin ang balitang ito kay male TV personality, at hindi naman daw niya itinanggi.

Matagal na raw niyang inamin ‘yan sa mga bosses niya at na-reprimand na raw siya riyan.

Kaya tingin ko diyan, hindi na lang palalakihin ‘yan. Sobrang tagal na rin naman at nakapag-move on na lahat, kaya kalimutan na lang siguro.

Huwag lang sanang kumalat ang video na ‘yun dahil bongga ang mga kuha at obvious na aware sila na kinukunan sila.

Ewan ko ba bakit kailangan pa nilang i-video ang mga ganu’n, kung wala naman silang balak maging porno star!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING