Kaso ni Vhong Navarro, pinagsasawaan na ng media

ADVERTISING

Kaso ni Vhong Navarro, pinagsasawaan na ng media

Vhong-NavarroMALAPIT NA raw pagsawaan itong kaso ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at ang iba pang akusado. Nakikita na nu’ng nakaraang linggo pa lang na halos sunud-sunod ang mga hearing.

Dati dinadagsa ito ng mga reporters at halos lahat na shows. Nitong mga huling araw, ang news na lang ang nandu’n para mag-cover.

Nakakaloka nga ang Startalk dahil matiyaga pa ring nagku-cover dun, pero hindi pa rin naiere dahil puno lagi ng istorya.

Pero sabi nga ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, sana tuluy-tuloy raw ang pagtutok ng mga tao dahil marami pa silang hearing at marami pang pagkakataon na magkatagpo sina Vhong at ang mga inakusahan.

ADVERTISING

Alam ko nga magkakaroon pa ng mediation sa kasong Grave Coercion kaya magtatagpo na naman sila.

‘Yun ang mahirap, dahil mediation ‘yun. Susubukan pang magkaayos sila sa harap ng mediation officer. Eh, mahirap namang ayusin ‘yun, kaya hindi natin alam kung paano i-handle ‘yan ni Vhong ‘pag magharap sila nina Deniece at Cedric.

Ang dinig ko nga, hindi pa raw matiyak ng aktor kung dadalo pa siya o i-represent na lang siya ng abogado niya o ano. Pero dapat yatang puntahan talaga ito ni Vhong. Tingnan na lang natin.

Ang dinig ko rin sa July 18 na ang susunod na hearing kaya matagal-tagal pa ito. Sana huwag naman itong makalimutan pa ‘no!

Hanggang ngayon ay maingat pa rin daw si Vhong dahil kahit nakakulong pa sina Cedric, hindi natin alam kung sino pa ang mga koneksyon niya, at any moment meron silang puwedeng gawin laban kay Vhong.

Hindi nga raw basta-basta makalabas si Vhong dahil nag-iingat pa rin ito. Mahirap nga naman!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING