KASMALA! Kakaibang Lovi Poe ang mapapanood sa ‘The Other Wife’

HINDI NA lihim sa mga tao na si Lovi Poe ang isa sa pinaka-reliable na artista sa bansa. Pag-aagawan ba siya ng dalawang big networks at mga film production outfits kung hindi ito nagdedeliver, aber?!

KASMALA! Kakaibang Lovi Poe ang mapapanood sa ‘The Other Wife’
Lovi Poe in ‘The Other Wife’

Palabas na simula noong July 16 ang bagong sexy-thriller ng Vivamax na ‘The Other Wife’. Mula sa direksyon ni Prime Cruz, kasama ni Lovi Poe rito ang kanyang ‘The Annulment’ leading man na si Joem Bascon plus Rhen Escano, na napansin ng mga moviegoers dahil sa kanyang mapangahas na performance sa ‘Adan’ at ‘UnTrue’.

May shock factor na ang trailer ng pelikula. Akala namin ay alam na namin ang ‘twist’ ng pelikula. May mga eksena kasi roon na tinodo ni Rhen Escano bilang Luisa ang pagpapaselos kay Janis (Lovi Poe) sa pamamagitan ng pakikipaglampungan sa kanyang asawa. Panoorin ninyo ang buong pelikula dahil nakakaloka ang twist nito.

Para sa amin, ang performance ni Lovi Poe bilang Janis ang isa sa pinakapaborito namin. Dito ay naipakita ng premiere actress na deserve niya ang lahat ng praises, awards and accolades na kanyang natatamo. Ipinakita rin niya na kaya niya maging bida at kontrabida. Clue na ‘yan, ha?

Sana ay marami ang manood ng The Other Wife. Napansin namin na maraming sexy films na nilabas ang Vivamax ngayon kaya overlapping na ang kanilang promo. May nakapagsabi pa nga sa amin na fan nina Lovi at Rhen na hindi sila aware na may pelikula pala ang dalawa kundi nila nabasa ang aming short review sa social media. Kalurks!

Kung gusto ninyo ng sexy-thriller na maayos ang kuwento, direksyon at most importantly – ang pag-arte, panoorin niyo na ito! Ghorl, we promise you na walang lalamya-lamya at nilalamon dito! He-he-he!