Kasama ang pinag-awayan noong si Derek Gretchen at Angelica, magsasama sa isang proyekto

ADVERTISING

Kasama ang pinag-awayan noong si Derek Gretchen at Angelica,  magsasama sa isang proyekto Kasama ang pinag-awayan noong si Derek Gretchen at Angelica,  magsasama sa isang proyekto KUMPIRMADONG MAGKAKASAMA SA isang project sina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto matapos na sila ay mag-away at magtarayan noon. At ang nakakaloka rito, ang kanilang magiging leading man ay si Derek Ramsay mismo na siyang dahilan ng away ng dalawa.

Okey lang kay Gretchen na makasama niya si Angelica at maging si Angelica ay ganu’n din para kay Gretchen. Pero ang tanong ng marami, matuloy kaya ang nasabing proyekto dahil kung noon ngang hindi sila nagkakasama madalas ay nagkaroon sila nang alitan, ngayon pa kayang mapapadalas ang kanilang pagkikita?

SOBRA-SOBRA ANG katuwaan ni Gina Pareño nang puntahan namin siya sa PICC, kung saan ay bida siya sa stage play na American Hwanggap.

“First time ko ito at ganito pala ang feeling kapag nakakapag-stage play ka, ibang-iba ito sa harap ng kamera na may mga take 2.”

Ayon kay Gina, nagkabuhol-buhol ang kanyang skedyul noong mga panahong nagre-rehearse siya.

ADVERTISING

“Actually, magba-back-out na sana ako, kasi sobra talaga ang hirap dahil that time magkakasunod ang mga ginagawa ko bukod sa pelikula at TV series ay may commercial pa ako, kaya kapag dumarating ako sa rehearsal, sobrang late na ako,” pag-amin pa ng aming kausap.

DESIDIDO ANG CHANNEL 2 na harangin ang bagong programa ni Willie Revillame sa Channel 5 na obvious na insecure ang mga ito, dahil obvious na mas bongga at mas masaya ang Willing Willie Kami (hindi pa tiyak ang titulo) kumpara sa Wowowee.

Ayon sa mga taong aming personal na nakausap, ang mga segment na ilalabas daw sa bagong show ni Willie sa Singko ay tiyak na kababaliwaan ng mga manonood, dahil bukod sa ubod na nang saya ay bongga pa ang mga premyong pamimigay.

Sa ngayon, ayaw magbigay-komento ni Willie sa bago niyang programa at kung ano ang mangyayari sa demanda niya sa ABS-CBN at ang demanda sa kanya ng nasabing TV network dahil nakatuon ang pansin ng aktor sa kung anong programa ang maibibigay niya sa kanyang mga tagatangkilik na matagal ding na-miss niya.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING