Kasama ang pamilya
Gov. Vilma Santos, sa Hong Kong nag-celebrate ng birthday

ADVERTISING

<i>Kasama ang pamilya</i><br> Gov. Vilma Santos, sa Hong Kong nag-celebrate ng birthday

<i>Kasama ang pamilya</i><br> Gov. Vilma Santos, sa Hong Kong nag-celebrate ng birthday

ADVERTISING

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! OMG! Undas na Undas! Speaking of Araw ng mga Patay, heto na naman po tayo para sa ating mga mahal sa buhay na nawala. Lalo na ako dahil nawalan ako ng isang anak noong bagyong Milenyo noong 2006. Ilang taon na rin ang nakalipas, hindi na rin ako nakapupunta sa sementeryo.

Kaya para sa mga hindi makalabas at ayaw makipagsabayan sa maraming tao, ‘eto, natirik na lang ako ng kandila at ipinagdasal ko siya.

Kaya naman, hindi pa rin tayo magpapaawat sa mga chikka ngayon. Dahil this time naman, para sa mga fans ni Ate Vi ang mga libreng pagbati rito sa column ko para siguradong mabasa ng Star For All Seasons.

ADVERTISING

Kumustahin naman natin ang pag-celebrate ng kanyang birthday. Balita ko nga, pupunta siya sa ibang bansa, pero rito lang sa Hong Kong, kasama ang family niya para mag-celebrate ng kanyang birthday at balik ng Nov. 5.

At in fairness naman kay Ate Vi, bongga ang kanyang eksena dahil hindi pa rin niya nakalilimutan ang kanyang fans, dahil this coming Nov. 5, isu-surprise siay ng kanyang fans kasama pa ang  mga   press  na  humahanga sa kanya. Kaya naman ako, nagtatanong sa mga nag-organize kung p’wede akong mag-join. Go raw ako, at first akong makakasama ‘pag nagkataon.

Kaya naman ‘di na rin ako magpapaawat. Siyempre, super thankful pa rin ako ngayon sa mahalagang pagtanggap sa akin ng fans, at especially kay Ate Vi. Kaya heto ang greetings namin for you:

“Good luck sa pagiging magaling na Gov. ng Batangas and always be the Star For All Seasons and Box-Office Queen, and be the national artist. And of course, one of the national teasure of all time… happy, happy birthday, Gov. Vilma Santos-Recto! Wishing you all the best in life. – from Tita Swarding”

“Happy birthday, Ate Vi. Wishing you more birthdays to come. Miss and love you – Linda Bandojo of Biñan, Laguna”

“Maligayang kaarawan, Gov.Vilma Santos! Mahal ka naming mga Vilmanians. – Vicky”

“Happy birthday, QueenStar Vi! Wishing you good health and more blessings. – Lily Leyva”

“Happy, happy birthday and may your star continue to shine forever and for all seasons to come. Have a blasts! – Hermie Legaspi”

“Happy birthday, Ate Vi. Sana makapiling ka pa namin sa mahabang panahon at bigyan mo pa kami ng mga pelikulang ikararangal hindi lang ng mga Vilmanians, kundi ng buong sambayanang Pilipino. – Eric Nadurata”

“Happy birthday sa nag-iisang Bituin, Vilma Santos. – Ernesto Hipolito”

Ayan ang mga pagbati namin mula sa puso namin. Hindi ko na naisingit ang iba, pero for sure alam mo naman ang mga nagmahahal sa ‘yo. Kaya naman marami pa rin ang mga nagtatanong after ng pelikula mong The Healing, kailan naman kaya ang susunod na pelikula mo? Bongga ka ngayon, Ate Vi… happy birthday!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong noong una lang, talagang mahirap lang talaga itong aktor na ito at naging komedyante rin siya nang bonggang-bongga?

Nakakaloka! Akalain mo, noon ay sobrang down to Earth lang talaga siya, pero ngayon, naku ‘te! Hindi makakaalis nang walang bodyguard at kahit nga mismong matutulog na lang siya, kailangang may bodyguard din siya sa labas.

Ano kaya ‘yun, babangungutin siya? Or natatakot lang siya dahil may mga bali-balita ngayon na napakalaki nga raw ng suweldo nito, at may mukhang natalo pagdating sa suwelduhan.

Nakakaloka! Hindi ko kinakaya ang powers niya, ‘te… sana lang, wish natin na mag-share talaga siya ng blessings niya, ‘yung taos sa puso, hindi pakitang tao lang… hahaha! Pak!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING