Kasalang TonDeng, magaganap na sa ‘A Love To Last’

ADVERTISING

Kasalang TonDeng, magaganap na sa ‘A Love To Last’

Kasalang TonDeng, magaganap na sa ‘A Love To Last’
TonDeng sa A Love To Last

‘ETO NA ANG pampakilig na update sa mga tagasubaybay ng trending series na A Love To Last ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo.

 
Mga bes, saksihan ngayong linggo ang pinakaaantay na pag-iisang dibdib nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) sa A Love to Last!
 
Wala na talagang makakapigil sa kanilang pagmahahalan matapos mapapayag nina Anton at Andeng sina Mameng (Perla Bautista) at Lucas (JK Labajo) na noong una ay tahasan ang pagtutol sa kanilang relasyon.
 
Anu-ano kaya ang kilig moments na dapat pakatutukan?
 
Ano kaya ang kanilang pangako sa isa’t isa? Maging matiwasay kaya ang kasalang magaganap o eeksena muli ang ex-wife ni Anton na si Grace (Iza Calzado)?
 
Exciting di ba? Kaya huwag na huwag ninyo itong palalampasin ngayong weeknights.
Para mga pala sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING