Kasalang Ser Chief-Maya, inaabangan na!

ADVERTISING

Kasalang Ser Chief-Maya, inaabangan na!

Richard-Yap-Jodi-Sta-MariaKUNG WALANG aberya, sa November 11 kukunan ang pinakahihintay na wedding scene nina Maya at Ser Chief sa centuries-old church ng Pila, Laguna na sa kuwento , tubong Laguna ang pamilya ni Maya.

Big scene ito na ngayon pa lang ay pinu-promote na ng Kapamilya Network na big day an November 15, kung saan ipapalabas ang pinakabonggang kasalan sa telebisyon.

Maging ang kaibigang si Sylvia Sanchez, pinaghahandaan din ang naturang eksena lalo pa’t kailangan niyang mag-reduce para maisuot niya ang magandang gown sa kasalan.

Recently, nang dumalaw kami kay Ibyang sa haybols niya sa White Plains sa Kyusi, pumapapak lang siya ng ginisang upo with hipon at ginataang santol na nabili niya sa set ng Be Careful With My Heart at hindi na kumain ng kanin for her late lunch para pumayat siya’t magkasya sa kanya ang isusuot na gown sa kasalan scene.

ADVERTISING

Balita nga namin, sangrekwang mga fans ni Ser Chief ang naghahanda na mag set-visit during the kasalan scene to witness one of televisions grandest wedding scene in history of Philippine Television.

I’m sure super traffic sa makipot na kalsada sa Laguna patungong Pila.

 

NAKIPAGTALTALAN SI Gretchen Barretto sa Instagram account niya sa isang may handle name na @bullygretchen last weekend.

Nagtago man sa kanyang alias itong si @bullygretchen, knows agad ni Greta kung sino ang nangaaway muli sa kanya sa IG.

Papaano ba naman, sa isyung pinapatukuyan ni Greta tungkol sa nawawalang mga alahas sa isang sikat na jewelry store (when Gretchen was still a kid), ang ina niyang si Inday Baretto ang sumagot at nagdepensa sa sarili. Sinabi nito na nagkamali diumano ang tindahan at natagpuan na ang alahas na nawawala sa kabila ng paggamit nila ng manghuula to trace kung sino ang culprit. Nakababaliw!

Kung hindi ba naman lukring si Mommy Inday, sa kanya mismong bibig nahuli ang isda, ‘ika nga na nagtatago pa siya sa isang alias just to lambast her daughter.

Kung nasusunmdan mo ang awayan ng mga Baretto (ako mismo nagsawa na at nasusuka pero istorya kasi), hindi na bago ang palitan nila ng mga akusasyon. Parang kural na ng baboy na masansang ang amoy, madumi at puno ng “tae” (sorry for the word) na sila rin ang may kagagawan.

I just don’t know kung saan magtatapos at papaano magtatapos ang kaguluhang ito.

Richard-Yap-Jodi Sta-MariaKung sakaling magtapos man ang isyung ito very soon, may seseryoso pa rin kaya sa mga Baretto?

Balita nga namin, ‘yong mga amiga ng ina ni Tony Boy na si Imelda Conjuangco (‘di ko rin alam kung natanggap na niya si Gretchen as his son’s partner) ay may mga side comment sa iskandalo na nagaganap dahil ito ang secret topics (alam n’yo naman sa mga sosyal, bawal ang iskandalo at balahuraan) sa mga social function ni Ms. Imelda C. at mga amiga niya.

Kung true blue sosyal ka at member ng high society, the real old rich don’t discuss issues like this or family conflicts in public. Torture sa buhay ng ina ni Tony Boy ang iskandalong kinasasangkutan ni Greta.

I just don’t know kung ano ang bulung-bulungan sa kampo ni Denise Yabut Cojuangco, anak ng dating Makati Mayor Nemensio Yabut at ang legal wife ni Tony Boy sa iskandalo ng partner ng dating asawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING