KASALANG MARCO ALCARAZ AT PRECIOUS LARA QUIGAMAN, WALA NANG ATRASAN!

ADVERTISING

KASALANG MARCO ALCARAZ AT PRECIOUS LARA QUIGAMAN, WALA NANG ATRASAN!MUKHANG love is in the air talaga ngayon sa showbiz!

Kung tutuusin ay kasisimula pa lang ng taon, pero may celebrity weddings nang naganap (Roxanne Guinoo and Elton Yap at sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto), umamin na rin si Piolo Pascual that he and KC Concepcion are together, at may fearless forecast pang may matatanggap daw na wedding proposal si Toni Gonzaga from her longtime boyfriend Direk Paul Soriano.

ADVERTISING

Hindi naman magpapahuli ang magkasintahang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz who are now officially engaged. The couple has been together for almost two years now. Last October daw nag-propose si Marco kay Lara.

Nagkita na ang dalawang pamilya when Marco brought his parents to Vancouver, kasi, doon naka-base ang mommy ni Lara, para mamanhikan sila. It was their first time to meet. Parang nabunutan ng tinik sina Lara at Marco dahil nagkasundo naman ang kani-kanilang pamilya.

Malalim ang tama ni Kupido kay Marco dahil si-nabi niya sa The Buzz that he can’t imagine himself in the future kung wala si Lara sa buhay niya.

ADVERTISING

“Sobrang laki ng tinulong niya sa growth ko spiritually. Nag-iba ‘yong pananaw ko sa buhay dahil sa kanya. Ayaw ko nang pakawalan ang babaeng ‘yon. Basta si Marco hindi kayang mabuhay kung wala si Lara,” pahayag ng aktor.

Kinikilig si Lara during her interview with Toni when she guested on The Buzz. Sinuklian naman niya ang pahayag ni Marco, aniya, “Isa naman akong Lara na hindi mabubuhay kung walang Marco Alcaraz.” Ipinakita pa niya sa programa ang kanyang engagement ring.

Paano ba nag-propose si Marco sa kanya?

“Para sa akin, it’s the sweetest, kasi hindi siya nagpadala ng helicopter tapos ‘yong may mga nahuhulog na ‘Marry Me’. Walang ganyan. Tinanong niya ako, ‘Gusto mo ba, magpakasal na tayo?’ ‘Okay lang,’ sabi ko. Hindi pa nag-sink in sa akin. Tapos everytime napag-uusapan namin kung gusto na naming magpakasal, naiisip ko, parang gusto ko na nga.

“So we prayed about it. ‘Yong decision namin sabay. Hindi ako nag-yes dahil na-surprise ako sa kung anong bagay. Pareho naming dinecide na gusto na naming magpakasal. For me, sobrang ‘yon ang tamang decision.”

Magpapakasal daw sila late next year because Lara’s sister is getting married this year. Wala daw itong koneksyon sa sukob dahil hindi naman naniniwala si Lara dito.

Ano ang kanyang masasabi about the rumors that some people are against their decision of getting married?

“Wala naman akong naririnig unless ‘di nila sa akin pinapaalam. Pero I don’t think pagbabasehan natin ang time na magkasama kami. [Kung] gaano katagal, gaano kaiksi [ay] hindi naman ‘yon ang basehan.”

Triple ang sayang nararamdaman nga-yon ni Lara dahil bukod sa kanyang engagement, she’s back with Binibining Pilipinas to select and train aspiring beauty queens at napapanood din siya bilang si ‘Cordelia’ sa newest fantaserye ng ABS-CBN na Mutya.

KASALANG MARCO ALCARAZ AT PRECIOUS LARA QUIGAMAN, WALA NANG ATRASAN!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING