KASALAN NA: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, engaged na!

ADVERTISING

KASALAN NA: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, engaged na!

KASALAN NA: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, engaged na!
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez Gutz

BONGGA ang pasabog nina Richard Gutierrez at Sarah Labhati last night sa launch ng Pamilya Gutierrez sa kanilang cable reality show sa isang entertainment channel na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

 
Yes, engaged to be married na sina Chard at Sarah na noong preem ng pelikula ni Sarah sa Viva Films recently ay hindi makumpirma ng sexy actress kung ano update ng ”kasalan” nila ng ka -live-in na inuurirat ng media sa dalawa.
 
Sa katunayan, marami ang nahihintay kung kailan ito magaganap.
 
But only last night (Monday, July 31) sa paandar ng kanilang cable show sa pangunguna nina Tita Anabelle Rama at Eddie Gutierrez (kasama ang mga anak, mga in-laws at mga apo) ay idineklara na “engaged” na silang dalawa.
 
Nangyari ang proposal at pagbibigay ni Richard ng engagement ring sa gitna ng snow ng Switzerland kung saan recently ay nagbakasyon ng dalawa (kasama syempre ang anak nila na si Zion).
 
KASALAN NA: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, engaged na!
Richard Gutierrez and Sarah Lahbatis engagement kiss in Switzerland
 
Sa kaganapan kagabi, ipinahayag ni Richard ang dahilan kung bakit natagalan ang proposal niya ng kasal kay Sarah:
 
“Well, I think it’s the perfect timing you know. It was a bit of a whirlwind the past few years for us you know, having a kid and leaving for a bit so when the dust settled down and we’re int he right bearing now and in the right frame of mind, it was just the perfect timing. I was waiting for the perfect timing and we were living our lives like we were married. I just wanted to formalize that and I just want to make it right. Make it right for my family, make it right for Zion, and make it right for Sarah,”  pahayag ni Sandrino (pangalan ni Chard sa hit teleserye na La Luna Sangre) sa mga media na dumalo na nag-interbyu sa kanya.
 
Sa formal announcement ng engagement ng dalawa, wala pang detaails na  ibinigay sina Richard at Sarah kung kailan ang kanilang wedding.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING