Kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, ‘di pa pinal

ADVERTISING

Kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, ‘di pa pinal

Chiz-Escudero-Heart-EvangelistaUSAP-USAPAN SA social media na na-bump off ang isang wedding na gaganapin sa Balesin sa Valentine’s Day next year.

Uminit ang ulo ng netizens lalo pa’t it was obvious na sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero ang sinasabing culprit kung bakit na-bump off ang kasal ng non-showbiz couple. Apparently, pinalalabas na nag-power trip sina Heart at Senator Chiz kaya naetsa-puwera ang kasal ng isang couple na naka-schedule.

Ang daming nagalit, ang daming nag-assume, ang daming kaletsehang pinagsasabi against Heart and Senator Chiz. Nag-one-plus-one kaagad ang mga detractors nila, wala nang isip-isip. Well, what do you expect from people whose idiocy have reached stratospheric proportion?

Anyway, merong nagtanong kay Heart kung tuloy ang kasal nila ni Chiz sa Balesin sa February 14 next year. Ang sagot ni Heart, “nothing final”.

ADVERTISING

Well, that should put the issue to rest.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING