Kasal nina Denise Laurel at PBA player Sol Mercado, na-cancel

Kasal nina Denise Laurel at PBA player Sol Mercado, na-cancel

Denise Laurel & Sol Mercado
Denise Laurel & Sol Mercado

Na-cancel ang kasal nina  Denise Laurel at PBA star-BF-partner nitong si Sol Mercado.

“We simply need more time to prepare,” say ni Denise who said na hindi nga ito magaganap this year, dahil pareho nilang napagkasunduan ang magkaroon ng “wonderful wedding”.

In fact, dalawang weddings nga ang magaganap next year, dahil nais nilang pagbigyan ang mga kapamilya nilang members ng parehong Catholic at Christian groups. Saradong Katoliko si Denise habang Christian naman si Sol Mercado.

Career-wise ay parehong nagsisikap ang dalawa na mas maging matagumpay. After nga ng stint ni Denise Laurel bilang “Your Face Sounds Familiar” big winner, magiging bahagi siya ng cable channel Lifestyle’s new magazine talk show “Modern Girls” kasama nina Sam Oh at Gretchen Ho.

On the other hand, si Sol ay naghahanda rin para sa susunod na season ng PBA bilang Barangay Ginebra player.

“Until today ay nag-a-adjust pa rin ako dahil siya itong halos may everyday practice,” sey pa ni Denise.

Kaya naman daw madalas din siyang makipag-compare notes at makipag-usap o chikahan sa mga gaya niyang misis na may PBA star-husband gaya nina Bianca Gonzales-Intal, Danica Sotto-Pingris, Cheska Garcia-Kramer, at iba pang new-found friends niya sa mundo ng sports.

“That’s why I’m extra excited sa mga kasama ko sa ‘Modern Girls’ like Sam and Gretchen, dahil mga sports practitioners and buffs din sila. Doon pa lang, marami na kaming mapag-uusapan,” dagdag pa ni Denise.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas